Chapter 34

2.9K 168 20
                                    

Chapter 34


TITUS


"Paano ka ba napunta rito sa Slavia? Hindi ba sinabi ko naman sa'yo noon na hindi ka maaaring magtungo o bumalik dito dahil pinaghahahanap ka Imperyo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Glenn.

Napatahimik ako sa kanyang tanong. Matapos niyang gamutin ang namamaga kong batok at pinaghainan naman niya ako ng makakain. Malalim na ang gabi at tanging ang siga ng mga kahoy ang nagsisilbing liwanag sa loob ng buong kweba. Kitang-kita ko sa kanyang itsura ang labis na pag-aalala. Kaya laking pasalamat ko rin na kasama ko ngayon si Glenn.

Kaso sa pagkakaalala ko, wala naman siyang sinasabi sa akin na pinaghahahanap ako. Ako rin mismo ay hindi ko rin alam kaya nakakapagtaka kung paano niya nalaman iyon. Nasabi niya siguro ito dala nang labis niyang pag-aalala sa akin. Hindi ko lang talaga maalala na may sinani siya sa akin tungkol sa ginawa kong sala kuno sa buong Imperyo at sa Emperador.

Ang isa pang pangamba ko ay ang ikwento sa kanya ang pagtakas na ginawa namin ni Milo kagabi sa Akademiya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin iyon sa kanya lalo na't mainit ang dugo nila sa isa't-isa. Ayaw ko rin naman na gumawa nanaman ng panibagong kwento sa kanya at ayaw ko rin na magalit siya ulit sa akin.

"A-ano kasi, paano ko ba sisimulan ito." nakangiwing sagot ko habang kinakamot-kamot ang aking batok "Nagka-ayos naman namin ni Milo ang pagkakaibigan namin dalawa kaya napagdesisyunan namin kahapon na umuwi sa Slavia at may isang linggo naman tayong bakasyon sa Akademiya bago magsimula ang ikalawang semestre."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at bumakas ang kanyang bibig sa narinig. Ngunit hindi rin nagtagal ay tumango-tanga siya at ngumiti. Kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko na rin sasabihin sa kanya ang mga pansarili kong lihim tungkol kay Milo. Kahit na matalik ko siyang kabigan, may mga bagay na hindi ko maaaring sabihin sa kanya.

Tumawa siya ng mahina "Sana sinabihan mo ako na aalis ka pala, alam mo bang halos mabaliw kaming dalawa ni Ruhk kakahanap sa'yo. Sana sa susunod magpaalam ka, hindi naman ako magagalit. Lalo na kung kasama mo naman ang kaibigan mo." malumanay at kalmadong wika niya.

Ngumiti ako "Ito na nga ang nangyari kanina, habang nag-iikot kaming dalawa sa Bayan at bibisitahin ko sana sina Nanay Agatha at Tatay Berto nang makita ko na nakapaskil sa isang poste ang papel kung saan nakaguhit ang aking mukha." pagpapaliwanag ko "May suot kasi akong balabal dahil mainit kaya nang aksidente itong matanggal at nagkumpulan ang mga tao nang makita ako!"

Napakamot siya ng ulo "Sinasabi ko na nga bang mangyayari ito. Teka, paano naman kayo nakatakas?" tanong niya habang kinakain ang ulam na binili niya ata sa Bayan kanina.

Huminga ako ng malalim "Nilipad ako ni Milo papalayo hanggang sa makarating kami sa gilid ng Dambana. Tapos nangyari na nga iyon paglagatok niya sa batok ko."

Nagtagis ang kanyang bagang "Alam mo, hindi ko maintindihan iyang kaibigan mo. Ayaw kong manghimasok sa kung anong pagkakaibigan mayroon kayo kaso ang gulo-gulo ng utak niyan. Nag-iinit talaga dugo ko diyan. Alam mo, kapag nakita ko ulit iyan, kakaltukin ko talaga batok niya." natatawa sabi niya ngunit alam kong inis na inis siya sa ginawa sa akin ni Milo.

Bahagya kong hinampas ang kanyang balikat "Kalma ka lang at huwag ka nang gumaya sa kanya. Ganyan talaga ugali niyan ngunit alam kong may matinding rason at kadahilanan kaya niya nagawa iyon." pagtatanggol ko naman.

Umismid siya "Noong una, galit na galit sa'yo at halos sa sahig ka na pinatulog noong magkasama pa kayo sa kwarto ng dormitoryo. Binuhusan ka ng tubig at pinahiya sa maraming tao doon sa hapag-kainan. Sinunog iyong mga damit at gamit mo at siraulong binato ba naman sa'yo. At alam ko rin na siya ang dahilan kung bakit napalnos iyang braso mo." seryoso niyang saad.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now