Chapter 83

1.8K 121 27
                                    

Chapter 83


TITUS


"Mahal na Emperador. Handa ka na bang kunin kong muli sa'yo ang aking Grimoire?" malumanay at mahinahon na saad ko sa kanya.

Hindi ko naman siya narinig na sumagot at ilang sandali pa ay nakita ko ang dahan-dahan na pag-alis ng kanyang mga Komandante at Kawal sa kanyang harapan. Isa-isa na rin na nagsilapit sina Milo, Io, Kisumi at Levi sa akin. Ang aming plano ay sila ang bahala sa mga alipores ng Emperador at ako mismo ang kakalaban sa kanya.

Napasinghap alo ng hangin habang pinagmamasdan ang aking Grimoire na gawa sa pinagsama-samang Grimoire nina Milo, Glenn, Io, Kisumi at Levi. Ramdam na ramdam ko ang kapangyarihan nito na nananalaytay sa aking katawan at dugo. Animo'y kakaibang mahika ang natatamasa ko ngayon ay gagamitin ko ito ng tama para sa aking misyon.

Naramdaman ko na mahigpit na hinawakan ni Milo ang kanyang kaliwang kamay "Naniniwala ako sa kakayahan mo." malalim niyang saad sa akin habang nakaguhit sa kanyang mukha ang tipid na ngisi.

Tumawa ako ng mahina "Magagawa ko ang aking misyon dahil kayo ay naririto upang tulungan ako." malumanay na sagot ko sa kanya.

Inilapit niya kanyang mukha sa akin kaya hindi ko maiwasan na mamula. Hindi naman matimpla ang reaksyon ni Kisumi sa ginawa ni Milo sa akin. Ganoon din si Levi na napatitig na lamang habang si Io ay hindi naman nakalingon sa amin dahil nakatingin ito sa malayo. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mahinang siniko ang sikmura ni Milo.

Natawa siya ng mahina sa akin ginawa ngunit naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking pisngi. Animo'y minamarkahan niya ang kanyang teritoryo. Nanumbalik na ang Milo na nakilala at nakasama ko buong buhay ko. Kaya sabay-sabay namin na tatapusin ang laban na ito upang makabalik na kami sa aming mga normal na pamumuhay.

Muli akong napahinga ng malalim dahil malakas pa rin ang kabog ng aking puso sa simpleng kilos na ginagawa sa akin ni Milo. Para bang may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng sikmura ko na una. Umiinit ang mukha ko dahil nahiya ako bigla sa mga kasama ko dahil alam kong hindi rin nila inaasahan ang ginawa sa akin ni Milo.

"Mauuna na ako upang makalaban ko na ang susunod na Komandante na haharang sa iyong misyon." tipid at walang emosyon na saad sa amin ni Io at dali-dali siyang tumakbo patungo sa isang kumpol ng Kawal upang kalabanin.

Ningisian ako ni Kisumi "Paano ba 'yan? Mauuna na rin ako Baby?" mapang-asar na wika niya sa akin at nagtungo naman sa kabilang ibayo.

Muli kong napansin ang pagdilim ng mukha ni Milo sa mga sinabi ni Kisumi sa akin kaya natawa na lamang ako ng mahina. Naniningkit ang kanyang nagbabagang mga mata habang mariin na pinagmamasdan si Kisumi habang papalayo ito sa amin. Lumalabas nanaman ang pagiging teritoryal ni Milo sa mga pagmamay-ari niya.

Bahagyang tinapik ni Levi ang aking balikat "Dito ako makikipaglaban sa inyong likod." nakangiti niyang sabi sa akin at dali-dali rin tumakbo palayo.

Mas lalong nandilim ang reaksyon ni Milo sa marahan na pagtapik sa akin ni Levi kaya mas lalo akong natawa. Marahas niya akong tinitigan na animo'y hindi siya nakikipagbiruan sa akin. Kaya mariin kong hinawakan ang kanyang kamay. Lingid nga pala sa kanyang kaalaman na naging mabubuti kaming magkakaibigan lalo na noong nagsimula kaming mag-ensayo.

Madilim akong pinagmasdan ni Milo "Marami tayong pag-uusapan mamaya matapos ang laban na ito." malalim at baritono niyang wika sa akin.

Ngumiti ako at inilagay ang aking buhok sa ibabaw ng aking tenga "Huwag po, bata pa po ako..." natatawang pang-uuyam ko sa kanya.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now