Chapter 32

2.8K 187 36
                                    

Chapter 32


TITUS


"Pinaghahanap: Titus Alexius Constances. Sa salang pagtakas sa mga kinauukulan ng Imperyo. Kapag nakita, ipaalam kaagad sa pinakamalapit na himpilan. Sundin ang utos ng Mahal na Emperador." wala sa sariling pagbabasa ko sa papel na nakadikit sa malaking poste kung saan nakaguhit ang aking mukha.

Napalunok ako ng mariin at muling ipinagpatuloy ang pagbabasa "Edad: Labing-walong taong gulang. Kulay ng mga mata: Ginto. Kulay ng Buhok: Ginto. Kulay ng Balat: Maputi. Pabuya: Sampung pekete ng gintong barya." dagdag ko pa na halos hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko ngayon.

Napaatras ako dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse at tuluyang matutumba sa lupa. Unti-unti kong nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil bigla akong kinabahan. Ang malakas na pagkabog ng dibdib ko ang tanging naririnig ko. Napasinghap ako ng hangin dahil dahan-dahan na lumulubog ang araw.

"Hindi ba siya iyong lalaking pinaghahanap noong nakalipas na tatlong buwan?!" rinig kong saad ng isang babae habang kausap nito ang lalaking nasa tabi niya.

"Pakiramdam ko siya nga iyon! Ayon sa pinakalat na balita noon ay may palatandaan itong ginintuang buhok at gintong mga mata! Hindi ka nga nagkakamali! Siya nga iyon! Siya ang may sala sa Imperyo at sa Mahal na Emperador!" sigaw naman na sagot nito sa kanya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Anong kasalanan ko sa Imperyo at sa Mahal na Emperador? Wala naman akong ginagawang masama! Umalis at naglakbay lang naman ako ng Bayan at nagtungo sa Quincy na kapitolyo ng Imperyo dahil doon matatagpuan ang Akademiya kung saan nagtapos ang aking mga magulang. Wala akong ginawang ikasasama sa buong Imperyo!

Hindi ko maintindihan sapagkat alam ko sa aking sarili na walang akong ginawang hindi maganda upang makuha ang atensyon ng Imperyo at ng Mahal na Emperador. Wala akong maisip na ibang dahilan o rason upang hulihin at ihimpil nila ako. Wala naman masamang mag-aral sa Akademiya dahil doon din naman nag-aaral ang mga kabataan na nanggaling dito sa Bayan ng Slavia.

Marahas ang aking paghinga dahil nakuha ng lalaking sumigaw ang atensyon ng mga tao sa paligid. Ilang sandali pa ay halos hindi mahulugang karayom ang nakiki-usyoso sa kung anong nangyayari. Dali-dali naman silang nagbulungan at tinuturo-turo pa ako na para bang isa akong sakit na kailangan nilang puksain. Sinusuri nila ako na para bang kung ako ba talaga iyong mga nakaguhit sa papel.

"Huwag niyong hahayaan na makatakas ang lalaking iyan! Magkakaroon tayo ng napakalaking pabuya sa Imperyo at sa Mahal na Emperador kapag nahuli natin siya!" umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na hiyaw ng isang matandang babae na may hawak-hawak na bayong.

"Ipaalam niyo ito sa pinakamalapit na Kawal ng Imperyo na narito ngayon sa ating Bayan! Ibigay ang impormasyon na narito ngayon sa Bayan ang lalaking matagal nang pinaghahahanap!" dagdag pa ng isang lalaking estudyante na nakaamba na ang Grimoire na handang-handa na lumaban.

"Naku! Naku! Naku! Huwag mo nang tatangkain pang tumakas sa amin dahil mas lalo lamang tataas ang antas ng iyong krimen at salang ginawa!" sigaw naman ng isang babaeng na may magarang damit na nasa edad trenta na.

"Sinasabi ko sa'yo! Kung sasama ka sa amin nang matiwasay ay hindi ka namin sasaktan! Isuko mo na ang iyon sarili dahil alam kong alam mo na wala kang laban sa amin! Hindi namin hahayaan na mawala pa sa aming kamay ang biyayang ibinigay ng Diyos sa amin!" natatawa at sarkastikong wika ng isang lalaki sa kabilang gilid.

Mas lalong naging malakas ang kanilang mga sigawan sa buong paligid. Bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon at saloobin. Alam kong lahat sila ay nagnanais na hulihin ako upang magkaroon sila ng pabuya sa Imperyo. Alam kong wala silang sinasanto kapag ang usapan ay salapi. Marami nang mabibili sa isang piraso ng gintong barya. Ano pa kaya kapag nakuha nila ay sampung pekete nito?

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now