Chapter 36

2.5K 171 18
                                    

Chapter 36


TITUS


"Ugh, wala tayong mahanap sa Aklatang ito." inis na wika ni Glenn at marahas na ginulo ng kanyang buhok.

Naisubsob ko na lamagn ang aking ulo sa librong nakapatong sa lamesa. Ilang oras na kaming nannsilksik at naghhanap ng kasagutan tungkol sa aking Grimoire at sa Grimoire ni Milo. Masakit na ang utak ko kaktanong sa mga tagapangawisa ng mga libro. Naitanong din ni Glenn sa kanila kung maaari nga ba na dalawa ang may-ari ng isang Grimoire.

Hindi ko na rin nakita pa si Io roon, nahagip lng siya ng mata ko kaso may itinuon ko na lang ang aking atensyon sa paaghahanap ko ng mga kasagutan. Kahit na gulong-gulo na ang isipan ko sa mga nangyayari at mga katanungan ko ay minarapat ko pa rin na ituloy ito. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ko nalaman ang sagot.

"Malakas ang pakiramdam ko na malalaman din natin ang mga sagot." sagot ko sa kanya at mas lalong idinikit ang mukha ko sa libro.

Tumayo ako upang maghanap pa sana ng ibang mga aklat ngunit agad na nakuha ng aking atensyon ang mga estudyanteng nagmamadaling lumabas ng Aklatan na para bang may kung anong kaganapan sa labas. Agad kong hinila si Glenn at nagmamadaling naglakad upang maki-usyoso. Hindi naman nagsalita pa si Glenn at sumunod na lang sa akin.

Tanghaling tapat na at sobrang taas na ng araw. Mainit ang buga ng hangin sa paligid. Kanya-kanyang usapan naman ang mga katabi kong mga estudyante na para bang sila ay labis na nananabik sa mangyayari. Ang rinig ko pa ay daraan daw rito ang Emperador ng buong Imperyo ng Wistalia pati na rin ang Alkalde ng Bayan ng Clarines.

"Baka makita natin rito Glenn ang mga magulang ko. Ayon sa mga sulat na ipinapadala nila noon at sa kwento nina Nanay Agatha at Tatay Berto na sa sangya ng Emperador naglilingkod ang mga ito." masaya kong saad kay Glenn habang nakikipagsiksikan sa mga tao roon upang mapunta kaming dalawa sa harapan.

Tumango lang si Glenn at tipid na ngumiti na para bang nag-aalinlangan sa mga sinabi ko. Hindi naman na ako umimik pa at nakipagsabayan na lamang sa mga tao sa paligid na nagsisigawan. Rinig na rinig sa hindi kalayuan ang tunog ng trumpeta, ito ay nagpapahiwatig na paparating na ang Emperador ng Imperyo ng Wistalia.

Natanaw na sa hindi kalayuan ang pagmamartsa ng mga Kawaal ng Imperyo at ng Bayan ng Clarines habang nakasakay ang mga ito sa kabayo. Balot na balot ang kanilang buong katawan ng mga panangga na gawa sa balak. Mula ulo hanggang paa. Dala-dala nila ang bawat sagisag at bandila ng buong Imperyo at ng Clarines. Marami-rami silang nagmamartsa papalapit sa amin.

Ngiting-ngiti naman akong pumapalakpak at mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao sa paligid ng lumampas sa amin ang mga Kawal at natanaw na namin ang napakagandang karwahe na gawa sa ginto. Ito rin ang karwahe na nakita namin kaninang umaga ni Glenn. Mas lalo akong namangha ng maaninag ko ang taong nakasakay doon.

"Magbigay pugay sa Mahal na Emperador ng Imperyo ng Wistalia!" sigaw ng mga kawal at dali-daling kaming nagsipagluhuran gamit ang aming isang tuhod at mabilis na niyuko ang mga ulo namin upang magbigay galang at pugay.

Ngayon lang ang pagkakataon na ibinigay sa akin upang makita ko ng personal ang Emperador kaya pasimple kong iningat ng aking ulo at mabilis na nilingon ang aking tingin sa loob ng karwahe. Halos manlaki ang mga mata ko ng direkta itong tumingin sa akin at tipid na ngumiti. Dali-dali naman iniyuko ni Glenn ang aking ulo dahil baka mahuli ako ng mga Kawal.

May kahabaan aang itim niyang buhok at mababakas sa kanyang mukha ang kanyang edad. Pakiramdam ko ay nasa magsisingkwenta anyos na ito. Mayroon siyang makpal na bigote at may kahabaan din ang kanyang balbas. Ngunit ang kumuha ng aking atensyon ay ang kanyang maaamong mga mata na para bang kinakain nito ang buong kaluluwa ko.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now