Chapter 73

1.4K 126 27
                                    

Chapter 73


TITUS


"Anong gagawin ko Punong Maestro? Hindi ko kayang maghirap sa kulungan na iyon si Milo! Kailangan natin gumawa ng paraan upang makatakas siya roon!" natatarantang saad ko sa Punong Maestro nang makauwi kaming dalawa ni Glenn sa bahay na tinutuluyan namin dito sa Bayan ng Clarines.

Tinapik niya ang aking balikat "Huwag kang mag-alala Titus at gagawa't-gagawa tayo ng paraan upang hindi matuloy ang nasabing pagbitay sa kanya." malumanay at kalmadong tugon niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang papalubog na araw mula sa bintana "Awang-awa ako sa kalagayan niya. Kung alam ko lang na makukulong siya... S-Sana... S-Sana... H-Hindi ko na siya pinakawalan pa." mariing wika ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi.

Hindi ko alam kung paano nakakaya ng dibdib ko ang mga nalaman ko ngayong araw. Wala na sina Nanay Agatha, Tatay Berto at Kuya Run. Nakakulong din si Milo. Wala akong ideya kung nasaan ang mga magulang ko. Gulong-gulo na ang isipan ko. Para akong mababaliw sa mga pangyayari ngunit pilit ko lamang pinalalakas ang aking loob.

Hindi ako makapagluksa ng maayos sa namayapa kong mga mahal sa buhay na nagpalaki sa amin ni Milo noong umalis ang mga magulang ko. Gustong-gusto kong umiyak, humagulgol at maglumpsay sa sahig ngunit hindi ko magawa. Halos ubos na ang luha na kanina pa bumabagsak sa aking mukha. Magang-maga na ang aking mga mata.

Ang sakit-sakit dahil nag-aasam at nananalangin na sana ayos lang ang lagay nila dahil hindi naman na sila gagalawin ng Emperador. Ibinigay ko na sa kanya ang aking Grimoire ngunit tinuloy niya pa rin ang pagbitay sa mga ito. Basag na basag ang aking puso na halos hindi ako makahinga ng maayos. Bakit kailangan nilang madamay sa gulong dala ko?

Tinapik-tapik ni Io ang aking balikat "Gagawin namin ang lahat upang mailigtas siya. Hindi natin siya pababayaan. Hahanap at hahanap tayo ng paraan upang makatakas siya." mahinang wika niya at dahan-dahan akong hinila upang yakapin ng mahigpit.

Mas lalong nanginig ang aking katawan sa ginawa ni Io. Sobrang sakit na ng mga mata ko kaiiyak. Hirap na hirap akong huminga dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko matanggap na wala n sila. Para bang ayaw itong tanggapin ng aking isipan. Nang dahil sa akin... Nang dahil sa akin kaya sila namatay! Nang dahil sa kamalasan n dala ko kaya sila binitay!

Mahigpit kong hinawakan ang kanyang damit at isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Animo'y isa akong bata na nawawala at hindi mahanap ang aking mga magulang. Hinimas-himas ni Io ng marahan ang aking buhok. Sa hindi ko malaman na dahilan ay pakiramdam ko'y nanlambot ang mga tuhod ko at mabilis akong nawalan ng malay.

"Huwag kayong maingay baka magising na siya."

"Kawawa naman ang Baby ko. Grabe naman itong mga pinagdadaanan niya ngayon."

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga binatang nagsasalita sa akin tabi. Agad kong napansin si Levi na nakaupo sa akin tabi habang minamasahe ang aking kamay habang si Kisumi naman ay nagbabalat ng mansanas. Natanaw ko rin si Io sa kabilang gilid na nakapikit habang nakatayo. Agad silang nagulat sa aking paggising.

Mabilis na sinuri ni Kisumi ang aking mukha "Hala! Gising ka na Baby! Napasarap ata ang iyong tulog. Ahahaha." natatawang pang-aasar niya sa akin.

Kumunot ang aking noo "Ha? Ang naalala ko lang nawalan ako ng malay kanina. Salamat pala sa pagdala sa akin dito ngayon."

Tumawa ng mahina si Levi "Limang araw ka ng tulog Titus. Hindi na siguro kinaya ng iyong katawan ang mga nalaman mo noong Lunes. Nagpahinga ka ng limang araw upang nanumbalik ang iyong lakas." malumanay na wika niya sa akin.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now