Chapter 2

6.1K 404 37
                                    

Chapter 2


TITUS


"Ina, gusto ko rin po maging isang salamangkero katulad ninyo ni Ama." nakangiting saad ko sa aking Ina habang naghahain ito ng aming kakainin.

Malungkot niya akong nilingon "Oo naman, hayaan mo kapag lumaki ka na saka lang lalabas ang mahikang taglay mo."

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti "Ngunit sabi sa akin ng mga kalaro ko nitong nakaraan, hindi na raw po ako magkakaroon ng mahika. Sabi rin po nila na baka inampon niyo lang po ako ni Ama dahil hindi ko po namana ang mahikang taglay ninyo."

Kita ko ang gulat sa mukha ng aking Ina "Sinong nagsabi sa'yo noon at papagalitan ko iyon. Hindi ka ampon, galing ka mismo sa sinapupunan ko Anak kaya huwag kang magpapaapekto sa sasabihin ng iba. Lagi mo lang na tatandaan na ika'y magsumikap."



"Mukhang hanggang dito na lang ang mga pangarap ko..." mahinang ko sa aking sarili habang mabagal na naglalakad patungo sa aking bahay.

Karamihan sa mga nakakasalubong ko ay pinagtatawanan at minamata ako dahil sa aking pagkabigo ngayong taon. Mukhang nakikisabay ang panahon sa aking pagluluksa at pagdadalamhati. Tumatama sa buo kong katawan ang malalaking patak nito. Ang kaninang mataas na sikat ng araw ay nababalutan na ng makapal na ulap ang kalangitan. Ramdam na ramdam ko ang lamig nito sa mainit kong katawan.

Nayuko ako habang pinagmamasdan ang kalsada na gawa sa mga pinagdikit-dikit na makikinis at malalaking hugis ng bato. Ano bang naging kasalanan ko sa mundong ito at hindi man lang ako binigyan ng Diyos ni kititing mahika sa katawan? Noong bata ako, laging sinasabi sa akin ni Ina na baka raw hindi pa nagigising ito. Ang tanging kailangan kong gawin ay ang maghintay ngunit tatlong-taon na akong nakatunganga, kakahintay ng aking grimoire. Wala pa rin ako napapala sa matagal na paghihintay ko.

Talagang kailangan ko nang isantabi ang pangarap kong magkaroon ng mahika at grimoire. Hinding-hindi na rin ako makakapag-aral sa Akademiya na pinasukan nina Ina't Ama. Hinding-hindi na rin ako magiging isang magaling na salamangkero. Hindi na rin ako makakapasok bilang isang tagapagtanggol ng Imperyo.

Hindi ko na rin masusundan pa ang yapak niya. Talagang iniwan na niya ako kahit sabay kaming nangarap noong hindi pa lumalabas ang mahika niya. Tatlong-taon na rin ang lumipas ng huli ko siyang makita. Tatlong-taon ko nang hindi nakikita ang mukha niya.

Napahinto na lamang ako sa aking pag-iisip nang may biglang humila sa akin. Agad kong nilingon iyon at labis akong nagulat nang makita ko ang mukha ni Nanay Agatha na puno ng takot at pangamba. Sa hindi ko malaman na dahilan pati ako ay kinabahan na rin. Punong-puno ng emosyon ang kanyang itsura.

Basang-basa ng ulan ang buong katawan niya. Nanginginig pa ito sa labis na lamig at sa malakas ihip ng hangin.

"T-titus Apo! U-umuwi ka muna at may pag-uusapan tayo." nanginginig na saad sa akin ni Nanay Agatha.

Kunot noo ko siyang tinignan "Nanay Agatha, kung may sasabihin po kayo sa akin sana hindi na po kayo sumulong pa sa ulan. Mahirap na't baka kayo'y magkasakit pa. Pag-aalalahanin niyo lang si Tatay Berting -----" napahinto ako sa aking pagsasalita nang hawakan niya gamit ang kanyang malamig na mga palad ang magkabilang pisngi ko.

Marahas niyang iniharap ang mukha ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pangungusap sa kanyang mga mata na tila ba'y napakarami niyang gustong sabihin sa akin. Ako rin naman, marami rin akong gustong sabihin at ikuwento sa kanya. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Gusto kong isalaysay ang paglugmok ng mga pangarap ko kanina.

Grimoire AcademyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα