Chapter 13

4.4K 271 20
                                    

Chapter 13


TITUS


"Ibagsak mo ang mahikang iyan sa pinakagitna ng tinatawag natin na"Magic Circle". Iyan ang magsusuma-total kung saan kalakas ang iyong mahika." dagdag ni Maestro Wilhelmina.

Mabilis kong itinikom ang aking mga palad kaya agad na bumulusok sa pinakagitnang bahagi ng magik sirkel ang mahikang ginawa ko. Gumawa ito ng malakas na pagsabog at hindi naiwasan na kumalat ang tubig sa buong paligid. Nagkaroon ng agad na pagbaha sa loob ng kwarto na hanggang tuhod ang taas.

Muli akong napanganga pati na rin ang mga kasama ko dahil nang biglang mawala ang tubig sa paligid muling lumitaw ang magik sirkel. Sira-sira ang bahagi nito ngunit ay malinaw na numerong isinasaad ito.

999999

"S-sira ata itong magikk sirkel. Maniwala ba naman akong ganyan kalakas ang mahikang ginawa ko. Baka nagloloko ang magikk sirkel na 'yan." wala sa sariling wika ko sa Maestrong babaeng nasa harap ko na talagang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Ngunit imbes na makabasan ng pagtataka ang kanyang mykha, ngumisi lamang siya at bahagyang umubo bago magsalita. Tumayo ito at inayos ang kanyang sarili.

"Ikinagagalak kong sabihin sa'yo Ginoo Titus Alexius Constance na ikaw ay nakapasa sa ikalawang bahagi ng pa-unang pagsusulit sa mga estudyanteng nagnanais na nakapag-aral sa Akademiyang ito." nakangising wika nito sa akin at lumapit sa aking harap. Dali-dali niyang kinuha ang nanginginig kong kanang kamay at nakipag-kamay sa kanya

Napangiti ako sa sinabi niya at agad akong napalingon kay Glenn, nakangiti itong pumapalakpak sa akin katulad din ng iba ko pang kasama sa loob ng kwartong ito. Napakagat na lang ako ng aking pang-ibabang labi dahil unti-unti kong nararamdam na babagsak na sa aking mukha na parang isang binuksan na gripo ang aking luha.

"S-salamat po... S-salamat... P-pangarap ko po talagang makapag-aral sa Akademiyang ito kung saan po nagtapos ng pag-aaral ang mga magulang ko." nakangiti kong sagot kay Maestro Wilhemina.

Ito na talaga, nakapasa ako sa ikalawang bahagi ng pagsusulit! Walang mapaglagyan ang galak ko na nakagawa ako ng isang mahika na hindi ko aakalain magagawa ko sa loob ng halos labing-walong taon. Iyon ang kauna-unahang mahika at kapangyarihan na lumabas sa katawan ko. Ngayon naniniwala na ako na nagtataglay din ako ng mahika.

"Nalampasan mo na ang ikawalang bahagi kaya ay maghanda ka na para sa ikatlo at huling bahagi ng pagsusulit. Maaari ka nang lumabas ng kwartong ito at pansamantalang maglibot sa loob ng Akademiya." dagdag pa niya.

Tumango ako at dali-daling lumapit kay Glenn. Agad ko siyang niyakap dahil siya ang unang taong naniwala sa kakayahan ko at siya ang unang taong tumulong sa akin upang makamit ko ang mga pangarap ko. Kung wala siya sa tabi ko ngayon, siguro kanina pa ako naglulumpasay sa sobrang kaba.

Hinimas-himas ni Glenn ang aking likod "Masaya akong nakapasa ka Titus. Makakapag-aral ka na sa Akademiyang pinapangarap mo. Sige na, maghanda ka na sa huling pagsusulit natin." nakangiting sabi niya.

Bumitaw na siya sa kanyang pagkakayakap kaya naman dali-dali akong lumapit sa pinto ng kwartong ito. Bago ako lumabas ningitian ko pa ang ibang estudyante na kasama namin. Napahinga na ako ng maluwag nang makita ko na may ilang estudyanteng ang Akademiya na naglalakad-lakad.

Nagpapasalamat talaga ako sa Maykapal, itong dinadalangin ko lang kanina ay tinupad niya. Buong akala ko kanina, hindi ako makakagawa ng kahit na maliit na mahika mula sa akin. Kaya labis talaga ang gulat ko nang lumabas na ganoong kalaking tubig mula sa mga kamay ko.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now