Chapter 84

1.7K 91 42
                                    

Chapter 84


GLENN


"Mahal na Prinsipe, nais ka pong makausap ng inyong Amang Emperador. Maaari na po kayong magtungo sa kaniyang trono." malalim na wika sa akin ng isa kong tagapagsilbi matapos ko siyang papasukin sa aking silid.

Tumango na lamang ako at muling pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Hindi naman magagalit ang Mahal na Emperador sa aking pananamit dahil sinusunod ko naman ang kanyang gusto.

Ano kayang sasabihin sa akin ng Mahal na Emperador kung bakit niya ako pinapatawag ng ganitong oras. Ala-una pa lamang ng hapon at alam kong marami siyang ginagawa sa mga oras na ito.

Sana maging mabilis lamang ang aming pag-uusap dahil muling babalik ang aking Maestro upang magpatuloy kami sa aming mga aralin na naiwan. Nasasabik pa naman ako malaman ng malalim ang mahika.

Ngumiti ako sa aking tagapagsilbi "Ako'y magtutungo na sa trono ng Imperyo." malumanay na sagot ko sa kanya at dali-daling lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad ako sa paliayo ng Kastilyo patungo sa trono ng Mahal na Emperador ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang mga pinta ng aking mga ninuno.

Mapapansin ang iisang depinisyon ng kanilang mga itsura. Nananalantay sa kanilang mga dugo ang maamong mukha, ang itim na buhok at ang mala-kulay langit na mga mata.

Nang makarating ako sa magara at malaking pinto ng trono ng Mahal na Emperador ay nagbabantay doon ang kaniyang mga Kawal. Agad naman nila akong pinagbuksan ng pinto kaya mabilis akong nakapasok.

Bumungad sa akin ang isang babae at isang lalaki na nakaluhod at nakayuko sa harapan ng Mahal na Emperador na prominente na naka-upo sa magara niyang trono. Naglakad ako patungo sa kanya.

Gawa sa makapal na salamin ang bawat gilid ng tronong ito kaya napakaliwanag sa buong paligid. Nakatayo sa likod ng Mahal na Emperador ang dalawang Komandante ng kanyang mga Kawal.

"Narito na po ang Unang Prinsipe ng Imperyo ng Wistalia, Mahal na Emperador." nakayukong pagbati ko sa kanya.

Sumilay ang tipid na ngiti sa gilid ng kanyang labi sa nakakaloko niyang maamong mukha. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa maliit na hagdan na nagsisilbing indikasyon na hanggang doon lamang ako.

Mariin kong sinuri ang dalawang nakaluhod sa aming harapan at ang tanging kumuha ng aking atensyon ay ang babaeng may ginintuang buhok. Napakaganda nitong pagmasdan.

"Ipakilala ninyo ang inyong mga sarili." malumanay na utos ko sa kanila.

"Masusunod po, Mahal na Prinsipe. Ako po sa Alexander Constance." malalim na sagot ng lalaki.

"Ako naman po ang may bahay ni Alexander Constance. Ang pangalan ko po ay Tatania Constance. Nagmula po kami sa Bayan ng Slavia." dagdag naman ng babaeng may ginintuang buhok.

Bahagyang nanliit ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay pamilyar sa akin ang apelidong iyon. Hindi ko alam kung mabada ko ba ito o narinig ngunit alam kong pamilyar ito sa akin. Hindi ko lang maalala.

Mabilis akong napalingon sa Mahal na Emperador. Alam kong may binabalak nanaman siyang gawin. Hindi lamang ito mahalata dahil nakakalinlang ang kanyang maamong mukha.

Kita ko ang labis na saya ng dalawa habang mariin akong tinititigan. Manghang-mangha silang pinagmamasdan ako. Pareho kasi kami ng Mahal na Emperador ng itsura. Parehas kaming may maamong mukha.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon