Chapter 42

2.2K 148 11
                                    

Chapter 42


TITUS


"Kawawa ka naman, hindi mo namana ang mahika ng mga magulang mo." nangigigil na saad sa akin ni Milo habang kinukwelyuhan ako.

Wala pang ilang sandali nang maramdaman ko ang mainit na likido na bumagsak sa magkabilang pisngi ko. Napakagat na lamang ako ng aking pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang matapang na postura at itsura ni Milo. Nanlalaki ang mga mata nito na animo'y ilang sandali na lang ay para akong kakainin ng buhay. Bahagya akong napa-atras sa aking kinatatayuan.

"W-wala naman akong ginagawang masama sa'yo. B-bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang patuloy a bumabagsak ang aking mga luha.

Mas lalong niyang pinalaki ang mga mata niya na talagang nakakasindak. Mabilis niya akong inihambalos sa lupa kaya naman agad kong naramdaman ang sakit ng aking likod. Halos dumugo na ang pang-ibabang labi ko sa mariin kong pagkakakagat ko rito. Pakiramdam ko naman ay animo'y dumoble ang aking kaba nang makita ko ang magkabila niyang kamay na naglabas ng dalawang naglulutangan na bolang apoy.

"Dapat sa inyong mga walang mahika ay pinaparuhasan. Wala kayong mga silbe sa mundong ito." nangagalaiting sagot niya.

Hindi ko na nagawang sumagot at napapikit na lamang dahil agad niyang ibinato sa akin ang dalawag bolang apoy na ginawa niya. Napapikit na lamang ako ng mga mata dahil alam kong masasaktan nanaman ako. Mabilis akong napahiyaw sa sakit at hapdi ng pagkakapaso ko rito. Halos hindi ko na marinig ang boses niya sa lakas ng pagkakasigaw ko.

Wala akong nagawa upang ipagtanggol ang aking sarili dahil wala akong mahikang taglay. Sa murang edad na walong-taong gulang ay unti-unting nagpapakita ang mahikang taglay ni Milo. Kaya usap-usapan na ito ng mga matatanda dahil kapag sumapit daw siya ng ika-labing limang taon niya ay makakakuha siya ng malakas na uri ng Grimoire, na maaaring apat ang bituin.

Kagat-labi akong tumayo ilang minuto matapos akong iwan ni Milo sa damuhan. Mangiyak-ngiyak akong pinagmasdan nag aking mga paso sa balat. Luhaan akong naglakad pauwi sa aming bahay upang isumbong kay Ina ang ginawa sa akin ni Milo ngayon. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ngunit tuwing nagkukrus ang aming mga landas ay lagi niya akong inaalipusta.

"Anong nangyari diyan sa mga braso mo?" nagtatakang saad ni Ina nang makita niya ako sa tapat ng aming bahay.

Mas lalong lumakas ang aking hagulgol dahil napakaahapdi ng aking mga braso. Labis ang pagkapula nito sa king maputing balat. Marahan naman na hinimas-himas ng aking Ina ang aking maikling gintong buhok katulad ng sa kanya. Pagkapasok namin sa bahay ay agad niyang ginamit ang kanyang Grimoire at mahika. Kayang pagalingin ng aking Ina ang anumang sugat sa aking katawan.

Mangiyak-ngiyak kong pinagmasdan ang gintong mga mata ng aking Ina "Wala naman akong ginawa kay Milo tapos inatake nanaman niya ako kanina pagkalabas namin sa Paaralan." wika ko habang pinagmamasdan ang gintong liwanag na lumalabas sa mga kamay niya na nasa ibabaw ng mga braso ko.

Tumawa siya ng mahina "Alam mo Anak, nagpapapansin lang iyon sa'yo. Sa gwapong mong iyan, may gusto lang iyon sa'yo. Pero hayaan mo pupuntahan natin sina Nanay Inez niya mamaya at para mapagsabihan siya mamaya."

Tumango ako at tumahimik na dahil unti-unti na rin naman nawala ang sakit at hapdi ng mga paso ko sa aking braso. Hindi na rin ito namumula dahil isang magaling na salamangkero ang aking Ina. Palagi siyang tinatawag ng mga tao rito sa Bayan kapag kailangan ng tulong niya. Ilang sandali pa ay napagdesisyunan namin na pumunta sa bahay nila Milo, ilang metro lang ang layo sa amin.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now