Chapter 29

3.5K 206 33
                                    

Chapter 29


TITUS


"B-bakit tayo pupunta roon?" kinakabahang tanong ko kay Milo nang sumampa ako sa likod na bahagi ng kanyang walis tingting.

Hindi naman siya sumagot at agad na kinuha ang magkabila kong kamay. Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis niyang ipinulupot sa kanyang bewang ang magkabila kong braso. Napakagat na lang ako ng pang-ibabang labi dahil wala nanamang mapaglagyan ang hiya ko.

Muling umihip ang pang-gabing hangin kaya marahas nitong tinatangay ang aking nakalugay na gintong buhok. Humaharap sa akin si Milo at kinuha niya mula sa kanyang palapulsuhan ang isang panali na gawa sa mala-kristal na diyamante. Teka? Paano siya agkaroon ng ganyang klaseng panali sa buhok?

Marahan na pinunpon ni Milo ang aking buhok at maingat niyang itinali ito. Mas lalong rumiin ang pagkakakagat ko sa aking pang-ibabang labi. Amoy na amoy ko pa rin ang kanyang katawan na hinaluan ng amoy ng alak na gawa sa ubas. Inayos naman ni Milo ang kanyang sarili.

Bahagya akong kinakabahan dahil kailanman ay hindi pumasok sa aking isipan na magiging isang uri ng trasnportasyon ang isang walis tingting na may mahabang tungkod. Buong buhay ko ay ngayon lang ako makakasakay dito. Kaya may kung anong umiikot-ikot sa loob ng tiyan ko.

Napalunok ako ng mariin habang nararamdaman ko na dahan-dahan umaangat mula sa lupa ang walis tingting na sinasakyan namin hanggang sa wala na akong matapakan pa. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa matigas na tiyan ni Milo at sinisuksok ang aking mukha sa kanyang likod.

Tumawa siya ng mahina "Huwag kang matakot, sasaluhin naman kita kung sakaling mahulog ka." saad niya.

Mahina kong inuntog-untog ang aking noo sa kanyang likod. Kahit na may kakaibang takot na namumuo sa loob ng dibdib ko. Hindi ko pa rin maiwasan na mamangha habang pinagmamasdan ko ang Akademiya mula sa itaas. Walang kasing tulad ang pagkakagawa rito.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko habang dahan-dahan kaming lumilipad. Kitang-kita ko mula sa baba ang naglalakihang puno na may nagtatayugang mga dahan at sanga. Unti-unti ng lumalayo sa amin ang Akademiya dahil lumalabo na rin ang liwanag na nagmumula rito.

Huminga ako ng malalim "A-anong gagawin natin sa Slavia?" nauutal na tanong ko ng muling pumasok sa aking isipan ang dahilan kung bakit ako umalis doon.

Naaalala ko na sinalubong ako noon ni Nanay Agatha sa labas ng aming bahay matapos ang pagtitipon ng mga kabataang lalaking pumunta sa Dambana upang makakuha ng Grimoire. Nakita ko na lang na nakasilid na sa mga sisidlan ang mga damit ko at pinapaalis na nila ako sa Bayan ng Slavia.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan kung bakit naging biglaan. May plano naman talaga akong umalis ng Slavia kapag nakuha ko na ang aking Grimoire ngunit tatlong-taon pa akong naghintay upang makamit iyon. Nais kong pumunta sa kapitolyo ng Imperyo na Qunicy kung saan matatagpuan ang Akademiya.

Nagtungo ako sa kweba ng gabing iyon, ang kweba sa ilalim ng malaking puno kung saan lagi namin pinupuntahan ni Milo noon. Doon ko rin nakita ang sugatan na katawan ni Glenn at doon din sumulpot ang aking kakaibang Grimoire na may limang bituin. Doon din unang nagsimula ang lahat.

Nanatili pa kami roon ng ilang araw upang makapag-ensayo at doon din ako itinakas ni Glenn papalabas ng Bayan ng Slavia. Mabuti na lang si Kuya Run na Anak nina Nanay Agatha at Tatay Berto ang nagsuri sa loob ng karitelang pinagtataguan ko. Ilang linggo namin binaybay ang daan papunta sa kapitolyo.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now