E P I L O G UE

1.9K 117 14
                                    

E P I L O G U E

"Magandang umaga sa inyong lahat!" malakas kong sigaw habang nakangiting pinagmamasdan ang mga kabataan na nasa loob ng Dambana ng mga Grimoire.

Nagsigawan naman ang mga binata't dalaga na halatan-halata sa kanilang mga mukha ang labis na kasiyahan at kagalakan. Iba't-iba ang kanilang mga reaksyon. Kitang-kita sa mga mata nila ang matinding kaba.

Hindi ko maiwasan na maalala ang mga nangyari noong unang beses kong tumuntong sa toreng ito. Ganitong-ganito rin ang aking nararamdaman, nag-uumapaw ang aking pagkasabik na makakuha ng aking Grimoire.

Ngunit si Milo lamang ang nakakuha noon. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na naramdaman ko noon ngunit lumipas ang dalawa pang taon at nakuha ko na rin ang sa akin. Ang pinagmulan ng lahat ng Grimoire sa buong mundo.

Kinaway ko ang king mga kamay "Ako nga pala si Titus Constance ang kasalukuyang Pinuno ng Dambana ng mg Grimoire, ang nag-iisa sa buong Imperyo ng Wistalia." malakas kong sigaw habang ginagamit ang elemento ng hangin upang ako ay lumutang sa ere.

Mabilis kong nakuha ang kanilang atensyon at lahat ng mga mata nila ay tutok na tutok sa akin. Ito ang una kong taon bilang opisyal na bagong tagapamuno ng Dambana ng mga Grimoire.

Halo-halo ang emosyon at ekspresyon na nakikita ko sa kanilang mga mukha. May mga nakangiti at tuwang-tuwa, mayroon din tahimik at nagmamasid lamang, mayroong nag-aalinlangan at mayaroon din kinakabahan.

Ganitong-ganito rin ang pakiramdam ko noon lalo na noong unang beses kong magtungo sa Dambanang ito. Hindi ko maipaliwanag ang samu't saring emosyon na nararamdaman ko.

Ngumiti ako "Ang mga Grimoire na makukuha ninyo ngayon ay simbolo ng inyong mahika at kapangyarihan. Hindi niyo ito maaaring palitan dahil kasama niyo ito sa inyong buhay." malumanay kong wika sa kanila.

Ang aking misyon kaya tinanggap ko ang posisyon na ito dahil gusto kong ipaalam sa mga kabataan ang pinaka-layunin ng mga Grimoire. Gusto kong magkaroon sila ng malalim na pagkaka-unawa sa mga librong ito.

Kitang-kita ko ang labis na pagkamangha sa kanilang mga mata ng dahan-dahan kong ilabas ang aking Grimoire. Natahimik ang lahat dahil animo'y ito lamang ang unang beses na nakakita sila ng Grimoire na may lumang bituin.

Mariin kong pinagmasdan ang aking Grimoire. Napaka-prominente pa rin ng limang ginintuang bituin na naka-ukit dito. Pati na rin ang limang elemento na maganda ang pagkakadisenyo.

Itinaas ko ang aking Grimoire "Gusto kong ipakita sa inyo ang Grimoire na pagmamay-ari ko. Alam niyo bang inabot ng tatlong taon upang makuha ko ito? Kaya nais kong sabihin sa inyo lalo na sa mga kabataan na hindi makakakuha ng Grimoire sa araw naa ito na huwag kayong panghinaan ng loob."

Nais kong itatak sa puso ng mga kabataan na nasa harapan ko ngayon na makakamtan nila ang kanilang mga pangarp. Huwag lamang sila sumuko at mayroon dapat sila malalim na paninindigan.

Nagtataka silang pinagmasdan ang aking Grimoire. Ito ang unang beses sa kasaysayan na ang tagapagmana ng Grimoire na may limang bituin ay ipapakita ito sa karamihan.

Sa pamamagitan ng aking plataporma, ang susunod na magiging tagapagmana ng aking Grimoire ay may maayos na itong reputasyon. Mayroon na itong magandang mga salita na nakakabit dito.

Gusto kong malaman ng buong mundo na walang dalang sumpa o anumang kamalasan ang Grimoire na ito. Nawa'y maintindihan nila na ang lahat ng Grimoire sa buong mundo ay susi sa kanilang mga pangaraap.

"Hindi ba iyang ang Grimoire na may dala-dalang sumpa?" rinig kong tanong sa akin ng isang binata.

Ngumiti ako "Sabi nila noon na lahat ng ganing tagapagmana nito ay sinundan ng kamalasan sa buhay ngunit hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi na ito. Sampung ko nang pangangalaga ang Grimoire na ito." malumanay kong sagot sa kanya.

Grimoire AcademyWhere stories live. Discover now