Aiden chuckled at the thought. Kahit isang taon pa lang naman ang lumilipas, malaki na ang naging pagbabago ni Ains. From the quiet and scared little girl I once knew her for, to the happy but with reservation Ains, and now she's a bubbly little girl free from the reign of the past.

Wala na kaming balita ngayon tungkol sa pamilyang Meris. Basta ang alam lang namin hinding hindi na nila kami ulit magagawang guluhin.

"Daddy!"

Patakbong lumapit ang bigla na lang sumulpot na si Ainsley at yumakap sa bewang ng ama niya. She beamed at her father and urge him with her hand to come closer. Umuklo si Aiden para alamin kung anong gustung sabihin ng bata. "Yes, squirt?" he asked.

"Papa Fiere said that we should take that woman to the nearby souvenir shop. Natapon ko po kasi sa kaniya yung ice cream ko." paliwanag ni Ainsley at tinuro ang isang maliit na babae di kalayuan na punas nang punas sa t-shirt niya.

Even from this distance I can see that the woman is very pretty.

Aiden looked at the woman before he looked down at Ainsley again, "Ains, di ba sabi namin wag masyadong maglilikot? Paano kung nawala ka ̶?"

"I have my BHO CAMP tracker." Ainsley said and shook her right hand.

"And you might get into an accident or disturb other people." pagpapatuloy ni Aiden na para bang walang sinabi si Ainsley. Sanay na kasi 'yan sa pangangatwiran ni Ainsley na hanggat may ilulusot ay susubukang lumusot. Like I've said. Mana-mana lang 'yan.

Pinagsalikop ni Ainsley ang mga kamay niya at nagpapaawang nag-angat ng tingin sa Daddy niya. "I'm sorry, Daddy. I also said sorry to Miss Callie. Hindi na po ako magkukulit promise. Let's just buy her a shirt po. She looks pretty and I ruined her cute shirt. Papa Fiere said I should tell you that I shouldn't let a pretty lady have a dirty shirt kaya raw po samahan mo akong bilan si Miss Callie."

Nag-angat ng tingin si Aiden kay Fiere na ngayon ay nakalapit na sa amin. Pinaningkitan niya ng mga mata ang asawa ko at naiiling na hinawakan sa kamay si Ainsley bago naglakad palapit sa babaeng tinutukoy ni Ainsley na Callie.

"Pinagtitripan mo na naman si Aiden." sabi ko kay Fiere. "Pero infernes ha? Ang ganda."

"Parang ikaw hindi mo pinagtitripan 'yon." nangingiting sabi ni Fiere na ang tinutukoy ay ang hindi iilang beses na sinet up ko si Aiden para makipag-blind date.

Hindi naman sa pinipilit namin siya o ano. Nakikipag date naman siya. Ang kaso lang lapitin ata kasi talaga si Aiden ng mga kalahi ni Pauline.

Kahit ano pang gawin naming lahat magkakasama na kami sa mga susunod pang mga taon na lilipas. We're all Ainsley's parents. Kaya wala kaming plano, kasama si Ainsley at si Fiere, na mapunta sa Pauline version 2.0 si Aiden.

Isa pa nakakatuwa kasi talaga siyang i-blind date. Hindi siya nakakaangal at talagang tinatapos niya bawat date. Like a gentle man should. Kahit pa noong naka-date niya si Rennie o Reynaldo na patay na patay kay Aiden. Isa siya sa mga nurse sa BHO CAMP Hospital na dahil sa kakabalik-balik ko sa check up ay nakilala ko na. Ilang beses ko nang pinaliwanag sa kaniya na straight si Aiden pero talagang makulit. Kaya noong nagkaro'n ng Gentlemen Auction, pauso nila Hera pa sa charity event ng kompanya namin kung saan napilitang sumali si Aiden, ay wala na siyang nagawa nang si Rennie ang makakuha ng date na kasama siya.

Napakurap ako at nagbaba ako ng tingin sa tiyan ko nang lumapat doon ang kamay ni Fiere. Napangiti ako nang yumuko siya at dinampian ng halik ang tiyan ko. Kahit pa na maraming tao rito sa zoo ay mukhang wala siyang pakielam do'n. May ilang pang parang naaaliw at kinikilig habang napapatingin sa amin.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now