CHAPTER 3 ~ Change ~

116K 2.4K 218
                                    

CHAPTER 3

ATHENA'S POV

Ipinatong ko ang siko ko sa rim ng bilog na bathtub at nangalumbaba habang pinagmamasdan si Fiere. Hindi talaga ako magsasawang tignan siya kahit na gaanong katagal. Kapag tinitignan ko kasi siya lalo kong nakikita kung gaano kami kabagay. Minsan na lang kasi pinagtatagpo ng tadhana ang mga katulad namin. Hindi kasi fair para sa mga hamak na tao lang.

"You'll get cold." he said when our eyes met at the mirror's reflection.

Humagikhik ako at ngumisi. "Isang tingin lang sa'yo hindi na ako lalamigin."

Naiiling na ipinagpatuloy ng lalaki ang ginagawang pag shave habang may maliit na ngiti na nakakurba sa gilid ng mga labi niya. My eyes traveled down his bathrobe-clad body and smiled naughtily when I saw the unmistakable hard Fiere junior there.

"Athena..." he said with a warning in his tone.

Pigil ang ngiti na inilubog ko ang sarili ko sa bath tub hanggang sa nasa ibaba na ng ilong ko ang tubig. I love teasing him. Kahit na minsan naaawa na rin ako sa kaniya dahil sa pagpipigil niya sa sarili niya.

We're both adults. Walang masama sa ginagawa namin. Pero kahit alam namin na ganoon nga ay hindi pa namin tinatawid ang daan patungo sa bagay na iyon. Heavy making out, yes. But sex? No.

Hindi pa din naman kasi ako handa sa responsibilidad na dala kapag tinawid ko ang boundary na iyon. Sa lahat ako ang dapat makatiyak sa bagay na iyon. Isa pa kailan lang din naman ang relasyon namin. If I'm correct it started before Snow asked me to helped her on her alibi. Sinabi niya kasi sa mga magulang niya na mag a-out of the country kaming dalawa pero ang totoo siya lang ang pumunta ng ibang bansa.

I was with Fiere for a while but most of my vacation I was with Ains.

Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman kong may mga kamay na pumalibot sa bewang ko at ilang sandali lang ay wala na ako sa bathtub. Nakangusong sinalubong ko ang tingin ni Fiere. "Hindi pa ako tapos eh."

"Lalamigin ka."

"Eh di yakapin mo ako."

Tuluyan na siyang napangiti sa sinabi ko. Inabot niya ang towel ko at ibinalot sa akin iyon. "Pwede rin."

Kinindatan ko siya bilang sagot sa sinabi niya at pagkatapos ay sinimulan ko ng punasan ang sarili ko. Kung sabagay mahirap ng magkasakit sa panahon ngayon. Lalo pa at tambak kami ng trabaho.

"I'm really curious how you got that scar."

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin ako sa kaniya. Sinundan ko ang tinitignan niya at bahagya akong napatigil nang makita ko na sa tiyan ko ang atensyon niya. Nakangiting binalot ko ang twalya sa katawan ko. "Sa mission."

"Knife wound?'

Tumango ako at tumingkayad para halikan ang pisngi niya. "Mauna na akong lumabas. Tuloy ka lang sa pagpapagwapo mo para mas lalo kang bumagay sa'kin."

Tuluyan na akong lumabas ng banyo pero rinig ko pa rin ang halakhak niya. More than anything, I really love his laugh. Sa paglipas ng mga panahon at sa dami ng mga nangyari sa buhay namin, marami na ang nagbago. But I always loved his laugh.

We're not kids anymore. Sa pag edad namin kumonti na rin ang mga pagkakataon na nakikita ko siyang tumatawa. Nakapokus kasi siya sa kapatid niya na katulad ko ay parang wala pang balak lumagay sa tahimik. Kaya laging nakabantay sa kaniya si Fiere. He even vowed to wait for his sister to be happily married bago siya lumagay sa tahimik. Kaya nga wala ni isang relasyon na sineryoso si Fiere.

Even so, after a few times of meeting each other accidentally, without his sister, we decided to date. But it was me who told him to keep it a secret from everyone. Sinabi ko sa kaniya na parehas naming alam na hindi ako gusto ng kapatid niya para sa kaniya.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now