CHAPTER 25 ~ Blood ~

66.8K 1.6K 78
                                    

CHAPTER 25

ATHENA'S POV

Naalimpungatan ako nang muntik tumagilid ang katawan ko. Napasinghap ako at kaagad napadiretso bago pa ako tuluyang bumagsak. Hindi naman gano'n kalalim ang tulog ko. Tama lang para mapahinga ang utak ko at sakto lang din para hindi ako matagpuang nakahandusay sa kung saan. Malakas na hinampas ko si Stone na siya palang basta na lang gumalaw para bumaba dahilan kaya muntik na akong makipagfriends sa lupa.

"A warning would be much appreciated." I said to him as I rolled my eyes in irritation.

Hindi na niya ako sinagot at tinapunan niya lang ako ng tingin bago sumunod kaila Erebus na nagsisimula nang maghanap ng punong maakyatan nila. May kalayuan kami sa kinatatayuan ng Remedios Hospital dahil hindi kami pwedeng mag baka-sakali na may makakita sa amin. Dahil kapag may nakatunog na nagmamanman kami, then all of this would be a bust.

Lumapit ako sa isang puno na sa tingin ko ay matibay at nagsimula na akong umakyat. Such the life of agents. Lahat na ata ng hindi pangkaraniwan na gawain ay nagawa na namin. Hindi naman kasi normal ang mga sitwasyong pinagdadaanan namin.

"Sinong may insect repellant diyan?" biro ko.

Narinig kong napahagikhik si Enyo habang may isa namang napabuntong-hininga na malamang sa hindi ay si lolo Stone. Kahit kailan talaga ang dali niyang kunsumihin. Hindi pa siya nasanay samantalang di hamak na mas sakit ng ulo ang mga kapatid niya.

"Vision activated." Freezale said at the other line of the listening device.

I continued climbing the tree until I decided that it was high enough. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi gaanong kalaki ang ospital. Base sa naaabot ng Vision sa distansiya namin, hindi din gano'n karami ang mga tao sa loob niyon. But I can definitely see men surrounding the grounds and it's easy to determine that they're not civilians from the way they're surveying the area. May kaniya-kaniya silang pwesto at palakad lakad.

"We need to surround them." I said to the others.

"Kami na ni Stone ang pupunta sa kabila." sabi ni Erebus. "The others would be falling back from our positions."

Nakarinig ako ng mga kaluskos at kasunod niyon ay mahihinang hakbang palayo. It was the faintest of sound that other people would just think it was the sound of rustling leaves. Halos ata lahat ng agents na-master na ang bagay na iyon. We always try to blend with not only the shadows but also the nature itself.

Nagbaba ako ng tingin sa relos ko. It's twenty-five minutes after six. Thirty-five minutes a way before the fifth team arrived at the party. Paniguradong nag aantabay na rin ang third team na kinabibilangan ni Fiere. Kung tutuusin, hindi naman ganoon kakomplikado ang kailangan naming gawing lahat. The only problem is, we're not sure of the source. Kaya kahit anong sabihin sa amin, lahat kami ay may pag-alala sa bawat kilos. We already lost so much. Marami nang nangyari sa BHO CAMP at ayaw na naming mawalan pa ulit.

Everything would be smooth sailing as long as nothing would attempt to rock the boat. The things we needed to do are simple. Pero hindi ko alam...hindi ko alam kung bakit pero may kung anong kaba ang gustong kumawala sa akin. I can feel it in my whole body. It's as if my whole being wants to close up and succumb to my protective shell.

"I'm gonna close in. I think we all should every few minutes." I said to the LD.

"Copy." Enyo responded.

Bumaba ako sa puno na kinaroroonan ko at mabilis ngunit tahimik na tumakbo ako sa direksyon ng ospital. Sinigurado kong hindi ako masyadong malapit at pagkatapos ay huminto ako. Umuklo ako at nanatiling nakakubli sa katawan ng puno sa harapan ko. "Freeze, can you remove all these trees? I want to see clearer."

BHO CAMP #6: The Sweet SecretOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz