CHAPTER 29 ~ Sweet Life ~

77.7K 1.8K 125
                                    

CHAPTER 29

ATHENA'S POV

"Dumating na ba iyong mga bisita? Katatapos lang ng missio- trabaho nila Kuya Adonis, sure bang makakarating sila? Hindi pa raw sila nakakabalik ng BHO CAMP ah! Tapos nagkaroon daw ng problema 'yong event place. Naayos na ba? Naayusan na ba ang mga bride's maids? Nasan ang wedding planner?! Ako ba ang wedding planner for goodness sake?!"

Alas dos pa ng hapon ang kasal at alas-diez pa lang ngayon pero nagkakagulo na ang lahat. Bukod sa mga pagkakataong may mission ay ngayon ko lang nasaksihan ang mga kasamahan ko na halos hindi magkandaugaga sa pagkilos. I can see shoes flying, dresses going back and forth, hair rollers all over the place, and everyone just running around in panic.

Kung maririnig lang ang paglilitanya mula rito sa pinaka-malaking villa na binuksan namin sa BHO CAMP para sa araw na 'to ay paniguradong 'Bridezilla' ang unang salitang maiisip nila. Iyon nga lang hindi naman ako ang hindi mapakali at mainit na ang ulo kundi ang prinsesita ng BHO CAMP.

My best best best friend Hera na ngayon ay parang gusto nang kagatin ang biglang sumulpot na weddding planner na malamang ay naramdamang sinusummon siya ng babae.

Malapit na kasing daigin ni Hera ang wedding planner. Siya kasi ang laging stress. Hindi ko naman siya masisisi dahil magdadalawang buwan lang ang time frame na ibinigay sa kaniya ni Fiere. Kung kami nga lang ang papipiliin kahit isang linggo lang. We just want to get married. But Hera just won't allow it dahil hindi daw siya makakapayag na "puchu-puchu" lang ang mangyari sa big day'ko.

So despite of the bunch of strings pulled to make this day happen, a maid-of-honorzilla was still born because planning a grandeur wedding will never be easy. Mabuti na lang dahil sa connections nagawa naming makapagpareserve ng simbahan at venue agad-agad.

"Kalma na po tayo ma'am. Maaga pa po kaya hindi pa dumadating ang mga bisita pero on the way na sila, naayos na rin ang problema sa venue pinalitan na lang ang mga ilaw, natawagan ko na rin po si Sir Adonis at malapit na raw sila kasi nasa Dasma na sila, ang mga bride's maids naman at pati na ang flower girls naayusan na ang iba. Halika na Miss Hera para maayos na natin ang hair mo, kailangan maganda rin ang maid of honor." pagpapakalma ng wedding planner ko na si Kylie.

"Maganda na ako matagal na." nakasimangot na sabi ni Hera. "Iyong mga photographer na nakastand by sa simbahan ̶"

Sandaling pinigil ko ang hairstylist ko sa ginagawa niyang pag-aayos sa akin at tumayo ako para lapitan si Hera. Dinutdot ko ang pisngi ng babae dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. "Kumalma ka nga at magpaayos na. Ang lapit lang natin sa simbahan kaya talagang mamaya pa aalis ang mga bisita natin dahil taga-dito lang naman sila."

Caleruega Church on the Hill is just outside of the boundary of Tagaytay and Batangas. Kahit may traffic at may kalayuan kami sa pinakasentro ng Tagaytay ay makakarating pa rin kami sa simbahan sa loob ng isang oras o wala pa. Karamihan din naman sa bisita namin ay dito manggagaling sa BHO CAMP dahil bukod sa nandito lahat ng agents ay ang mga hindi naman ay pinapunta na namin dito kahapon pa lang para mas malapit sa simbahan. Lahat naman ng pupunta sa mismong kasal ay agents lang o Royalty members dahil well...we're a family.

"Pero ̶"

Pinutol ko ulit ang sasabihin niya, "Breathe in...breathe out. Ikaw ang maid of honor ko kaya kailangan mo ng mag-ayos. Tignan mo nga 'tong isang 'to." sabi ko at inginuso si Aiere na tahimik na nakahilata sa kama habang nanunood sa Netflix. Siya ang pinakaunang natapos ayusan at suot na rin niya ang coin gray dress na para sa mga maid of honor. Light dusty pink ang para sa mga bride's maid at flower girls.

Hera rolled her eyes before throwing Aiere an irritated look, "Kung hindi lang kapatid ni Fiere 'yan baka sinilaban ko na iyan."

"Baka kaya." sabi ni Aiere na hindi tumitingin kay Hera.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now