CHAPTER 6 ~ Eyes ~

83.2K 2K 120
                                    

CHAPTER 6

ATHENA'S POV

"Go Athena! Patumbahin mo ang hambog na 'yan!"

"Go kuya Thunder! I-cheer na rin kita kasi naaawa ako sa'yo! Pero go Athena!"

Sa kabila nang pagkahingal ay napangiti ako sa narinig kong mga kantiyawan ng mga agents na nanonood sa amin ni Thunder. Parehong tutok ang mga mata namin sa isa'tisa...nagmamatiyag sa mga paggalaw at naghihintay ng pag-atake.

Hindi lang ang mga Elite at Junior agents ang nanonood sa amin kundi maging ang mga trainee. Wala rin kami sa sarili naming training area kundi sa training room ng Grounds. Nasa kalagitnaan kasi kami ng pagtuturo nang bigla na lang kaming utusan na magbigay halimbawa sa mga trainee.

Itinaas ko ang isa kong kamay kay Thunder tanda ng pag-awat. "Saglit nga muna." nilingon ko si Dawn. "Bakit ba kami ang magka-sparring? Gusto ko si bebe Fiere." nakangusong sabi ko at kinindatan ko pa ang napayuko na lang na lalaki. Sa kabila nang pagkubli niya ng mukha niya ay kita roon ang tinatagong ngiti.

"Dahil mamanyakin mo lang si Fiere." nakataas ang kilay na sagot ni Dawn. "Carry on."

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay naramdaman ko ang mabilis na paggalaw na patungo sa akin at kaagad na dumausdos ako pababa. I lie down on the mat, my hands on each side of my body using it as a leverage for my hips. I raised the lower part of my body, my legs reaching towards Thunder's hips as he pounced to attack me. Ipinalibot ko ang mga binti ko sa bewang niya at sa mabilis na kilos ay itinumba ko siya pabaligtad sa akin, my entire length doing a full backward flip.

Narinig ko ang sigawan sa paligid ko pero bago ko pa magawang magpaka-humble ay naramdaman ko ang paghila ni Thunder sa binti ko. Mabilis naman na nagresponde ang katawan ko at akmang sisikuhin ko na sana siya nang bigla siyang sumigaw. "No! Not the face!"

Pinaikot ko ang mga mata ko at may pinindot ako sa tapat ng puso niya na buton. Lumikha iyon ng kakaibang tunog.

Nakangiting tumayo ako at itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Thunder's dead!" I shouted and swing my hips in a circle.

Nagpalakpakan ang mga nanonood pati na ang namamanghang trainees. Nag bow pa ako sa kanila at kumaway na animo kinoronahan bilang Miss Universe pero agad silang pinatigil ng kill joy na si Dawn.

"Ang napanood niyo ay isang halimbawa ng hindi niyo dapat tularan. When it comes to fighting, even if you break a bone...or your face, it's a lot better than ending up dead. Got me?"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Thunder na kumindat lang at pagkatapos ay nagpapaawang tinignan ang mga trainee na babae. Ang ilan sa kanila ay namula nang makita na nasa kanila ang atensyon ni Thunder pero ang ilan din sa kanila ay halatang walang pakielam sa lalaki...much to Thunder's dismay.

Inikot ko ang paningin ko sa training area at napangiti ako nang makita ko ang iniirog ko. Tumakbo ako palapit sa kaniya pero kaagad akong naharangan ng magandang kontrabida sa aming pag-iibigan. At least tinawag kong maganda. Okay? Okay!

"Hi, Aiere! Ang pretty mo today, ah. Parang ako lang."

"Aatakihin mo na naman ang kuya ko." nakapamewang na sabi niya.

"Asus. Hindi ah. Bakit ko naman aatakihin ang napakagwapo, napakamacho, napaka-" nag peace sign ako nang maningkit ang mga mata niya. "Lalapitan ko lang. Masyado ka namang sensitive, Bes."

"Hindi kita best friend." mataray na sabi niya. Kung hindi ko lang talaga gusto maging sister-in-law ng taong 'to. Naku! "Bakit mo lalapitan si kuya?"

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now