CHAPTER 24 ~ Inception ~

65.1K 1.7K 134
                                    

CHAPTER 24

ATHENA'S POV

Hindi maikakailang ramdam ang tensyon sa paligid. Walang imik na nag-aayos ang ilang mga agent habang ang ilba naman ay tahimik na bumubulong sa mga pami-pamilya nila. Hindi kalayuan sa kinaroroonan ko ay natatanaw ko si Fiere na kasama ang kapatid niya at ang mga magulang nila. Napapabuntong-hininga na nagbaba ako ng tingin sa anak ko na nakamasid lang sa mga nangyayari.

Hindi ko pa naipapaliwanag lahat-lahat sa kaniya pero alam kong kahit paano ay naiintindihan niya na na iba ang pamilya na kinagagalawan namin ngayon. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kaniya ng diretso kaya unti-unti ay ipinakita ko sa kaniya kung ano ang buhay na meron ako.

"Ainsley, sweetheart?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. I don't see fear there or confusion just...worry. "Would you be safe, mama?"

Pakiramdam ko ay natangay na kasabay ng hangin ang tensyon na bumabalot sa akin. My relationship with my daughter has come a long way. Dati halos hindi niya ako matignan at makausap ng diretso. "Of course. This is what we do, Ains. We keep people safe. We keep our families safe."

"Dahil po ba sa'kin kaya po nagugulo lahat?"

Sunod-sunod na umiling ako at lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at tinignan ko siya direkta sa mga mata. "No. Wala kang kasalanan. Ginagawa lang namin kung ano ang dapat. After this, everything would be fine again."

"Would daddy be fine?"

Hindi nga ba't lahat ng ito ay para maging maayos sila? Na magawa nilang mag-asawa na makahiga sa pera na hindi nila pinaghirapan? But I couldn't say that to my daughter. Dahil kahit anong gawin ko...ama niya si Aiden. He might not be a good man, but I know he tried to be a good father.

"Let's worry about you first, sweetie. Malaki na ang daddy mo. He made decisions that affects a lot of people. And in life, baby, when you make a choice...you also choose your consequences." Hinaplos ko ang buhok niya at pilit na ngumiti. "Everything would be fine. I promise."

Napipilitang tumango siya. Umayos na ako ng tayo at hinawakan ko ang kamay niya para igaya siya sa kinaroronan ng mga magulang ko. Karga-karga ni mama si Russia na umiiyak para makuha ang atensyon ni Ate Sky at Kuya Adonis. Ate Sky walked towards Russia and kiss the top of her head before she hurried to leave the room. Ganoon din ang ginawa ni Kuya. Kapag hindi pa kasi sila lumabas siguradong hindi titigil si Russia kakaiyak.

Nakangiting nagbaba ako ng tingin kay Ainsley. "Stay with Russia okay? You're older kaya dapat bantayan mo siya habang wala kami."

Tumango si Ainsley at bahagyang ngumiti bago lumapit kay Russia para aluin ang bata. I looked at my parents and they just nod at me. Alam kong hindi nila pababayaan ang mga bata. Walang magtatangka sa BHO CAMP habang wala kami. Bukod sa nandito ang buong junior agents pati na ang trainee, no one can mess with the Second Generation Elites or even the Original Elites...despite their old age.

"Hindi ko alam, Kat, pero pakiramdam ko may umiinsulto sakin eh. Alam mo 'yon? Sa sobrang galing ko ata nasesense ko na kapag may hindi magandang thoughts patungkol sa kagandahan ko."

"Pakiramdam ko nga rin, Mishy, eh. Gosh! Sa dami nating talent nadagdagan na naman? Paano na ang mundo eh kinuha na natin lahat?"

Napangiwi ako at bahagyang nanlaki ang mga mata nang marinig ko ang pag-uusap ni Mishiella Greene-Night at ni Katerina Von-Roqas. Kaagad na lumayo na ako incase talagang nasesense nila ang katotohanan. Mga mind reader na rin ata.

Lumapit ako sa isang table at kinuha ko ang backpack ko roon at sinukbit iyon. Kanina pa ako nakasuot ng CBS o Chameleon Black Suit pati na ang mic at listening device ko. Kinuha ko rin ang mga baril ko at kinabit ko iyon sa holster sa bewang ko at sa hita ko. Muli akong tumingin sa gawi ni Ainsley na nakatingin lang sa akin at nginitian ko siya bago ako sumunod na sa mga agent na palabas na ng control room.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now