CHAPTER 17 ~ Roqas ~

101K 2.7K 465
                                    

CHAPTER 17

ATHENA'S POV

"Ngayon alam ko na kung saan mo nakuha 'yan."

Dinilat ko ang mga mata ko na natatakpan ng sun glasses at napataas ang kilay ko nang makita ko si Archer na nakatayo sa may paanan ng lounger na kinahihigaan ko. Royalty members has the privilege to walk in and out of the headquarters. Perks ng pagkakaron ng kabandang agent at miyembro ng banda na may asawang agent.

Nasa swimming area ako ng headquarters dahil wala akong maisip na gawin. Hapon na at tulog pa si Ainsley dahil napagod siya dahil sa paglalaro namin ng kinect na Just Dance. Gusto ko sanang pumunta ng training area pero natatakot ako na baka nandoon ulit si Fiere katulad kahapon.

Hindi ko maintindihan kung bakit nandito pa siya. A part of me was happy seeing him. Na hindi siya umalis katulad ng sabi nila. I thought he wanted to leave because of me. Pero may isang parte din sa puso ko na nasasaktan na makita siya dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit nasira ang kung ano man na meron kami.

"What?"

Nagtanggal ng pang-itaas si Archer at umupo sa lounger sa tabi ko. "Your scar."

Nagbaba ako ng tingin sa tiyan ko. Hindi ko naman itinatago iyon sa kanila kahit noon. I'm comfortable with my body. Nasa isip ko kasi noon kapag masyado akong insecure about it lalong mahahalata na may itinatago ako. Besides it's just a scar. Everyone has them. Kahit iyong klase na hindi nakikita.

Nagkibit-balikat ako. "Wala na sigurong maniniwala ngayon kapag sinabi kong nakagat ako ng ipis kaya meron ako niyan. Not when I have my little replica by my side."

He chuckled and shook his head. Humiga siya sa lounger at sinuot niya ang sarili niyang sun glasses. Pasimpleng nilingon ko siya. In all fairness, ang ganda ng katawan niya. No wonder nagkakagulo ang fans niya. Though he's not the vocalist, the person who almost always gets the attention of the crowd, hindi naman kasi bulag ang fans nila para hindi makita ang kagwapuhan ni Archer. He's rich, famous, handsome and he has this mysterious slash suplado aura na kinaadikan ng maraming kababaihan for some reason.

"I know I'm a joy to look at."

At mayabang. Pero may tatalo ba sa kahumble-an ko? "Don't worry hindi kita pinagnanasaan. Tinatantiya ko lang kung threat ka sa kadakilaan ko. Narealize ko na na harmless ka so pwede ka ng mag-stay diyan."

"Wow. Thanks I guess."

Nag thumbs up ako at nginisihan ko siya. "Anong meron at naligaw ka dito? My pool naman sa villa niyo ah."

"Mas malaki ang pool dito."

"May point." tumatango-tangong sabi ko, "O baka naman may hinihintay ka?"

Lumingon siya sa akin at tumaas ang isang kilay niya. "Paano kung ikaw ang pinunta ko?"

I rolled my eyes at him, "Yeah right." inangat ko ang cellphone ko. "Gusto mo tawagan ko na?"

Umupo siya at a pagkagulat ko ay dumukwang siya sa kinahihigaan ko hanggang halos magkalapit na ang mga mukha namin. "Paano nga kung ikaw?"

Sunod-sunod na napakurap ang mga mata ko. Anong espiritu ang sumapi sa taong 'to? Inangat ko ang sunglasses ko sa ulo ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Lumayo ka nga. Ang weird mo ngayon. Nakainom ka ba?"

"Nope." hindi pa rin lumalayo na sabi niya.

"Naka-drugs?"

"I don't do drugs."

Tumingin ako sa langit saglit na animo nag-iisip, "Amm...shabu?"

"Pareho lang 'yon."

"Hindi ah. Drugs is a generalize term, shabu is specific."

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now