CHAPTER 18 ~ Fire ~

110K 2.4K 369
                                    

CHAPTER 18

ATHENA'S POV

Naghihikab na sumandal ako sa sofa sa control room na kinauupuan ko habang hinihintay ang mga agent na ngayon ay i-pine-page na ni Freezale. Isa ako sa mga iyon pero dahil ilang oras naman na akong nakatambay sa control room, obviously hindi na ako kailangan pang hanapin ng babae.

"Fiere-" Napatigil si Freezale sa pagsasalita nang sa mabilis na kilos ay napatayo ako sa sofa at inalis ko ang kamay niya na nakapindot sa buton na nag bo-broadcast sa buong headquarters. Kunot-noong tinignan niya ako, "Anong problema mo?"

"Ibang agent na lang ang tawagin mo."

"Di ba dapat nagpapasalamat ka pa sa'kin?"

Nang hindi ako sumagot ay pinaniningkitan ako ng mga mata na pinindot niya ulit ang button, "Fiere Roqas, you have a mission. Please report to the control room."

Nakasimangot na tinalikuran ko si Freezale at naghihimutok na umupo ako sa sofa. Pinaikot naman ng babae ang swivel chair niya at humarap sa akin bago nakahalukipkip na nagsalita, "Explain."

"I know you know that we just got back together."

"And?" she prompted.

"I wanted him back and I'm happy that he's with me. Pero magulo pa ang sitwasyon namin ngayon. And of course there's my daughter. Hindi madali para sa kaniya na matanggap lahat."

"Iba ang trabaho sa kung ano pa man ang issue niyo. Get over it." sabi niya at nagtawag pa ng dalawang agent.

Napabuntong-hininga ako. I know she's right. Wala naman akong balak na hindi magpakita kay Fiere or ano. We're still together anyway. Pero alam ko rin na nararamdaman niya na tinataguan ko siya ilang araw na. Kaya nga ngayon ay sa control room ako nakatambay. A place that I really hate because it's too boring.

"Blaze Reynolds, you have a mission. Report to the control room."

Napatingin ako kay Freezale sa panghuling pangalan na tinawag. Bihira kong matiyempuhan na may mission si Blaze nitong mga nakalipas na mga buwan. Most of the time kapag pinapatawag siya ay laging bilang eyes lang ang ganap niya at hindi siya sumasabak sa field not like befor. Kapag naman field mission ang ibinibigay sa kaniya lagi siya mag-isa at walang nakakaalam kung tungkol saan ang mission niya maliban na lang kaila Dawn, Triton, at Freezale.

"Eyes ba namin si Blaze?"

Sumagot si Freezale habang may inaayos na mga folder. "Hindi. Dahil ayaw mong kasama si Fiere, si Fiere ang gagawin kong eyes at si Blaze ang ilalagay ko sa mission." Freezale look up at the ceiling as if contemplating. "Okay na rin siguro."

"Bakit ba laging walang kasama si Blaze sa field mission nitong mga nakaraan?"

"Because It's personal."

"If it's personal then-" napatigil ako sa sasabihin nang may maisip. Isa lang naman ang dahilan kung bakit kumukuha ng mission ang isang agent na personal sa kaniya. Revenge.

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ko si Freezale pero umiling lang siya. Alam ko na wala na siyang balak magsalita pa tungkol kay Blaze. But I just can't believe it. Hindi ko kailangang maging genius para hindi malaman kung ano ang ginagawa ni Blaze. Iisa lang naman ang maaring maging dahilan. Storm.

Blaze is so much like Stone when it comes to their physical looks. Pero malaki ang pinagkaiba ng mga ugali nila. Everyone think that Blaze is more outgoing and has more fire in him while Stone is the serious one and lack the passion for anything. Pero alam kong hindi totoo iyon. Stone is more mellow than Blaze.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now