CHAPTER 4 ~ 2 ~

95.1K 2.2K 285
                                    

CHAPTER 4

ATHENA'S POV

Humihikab na sumandal ako sa kinauupuan ko na bench habang nakatingin sa maliit na aso na talon ng talon sa harapan ko. Kung bakit naman kasi dinala pa rito ng dyosa kong ina ang aso na'to. Ginawa na naman akong babysitter.

"Hoy, Raf Raf, pumupu ka na ng matapos na tayo rito."

Nakadilang tinignan ako ng aso na para bang inaasar pa ako. Raf Raf is a girl west highland terrier. Anak siya ng aso ni Mama na si Aff Aff na sumakabilang planeta na dahil sa katandaan.

Hindi kami masyadong close ni Aff Aff dahil may sa bakla ata ang aso na iyon. Mas trip ang kapatid ko na si Adonis. Pero sa kabila niyon hindi ko maitatanggi na balde baldeng luha ang iniyak ko sa pagkawala niya.

Napapabuntong hininga na tumayo ako. Iniwan ko ang aso at naglakad ako paalis. Susunod naman sa akin iyan. Hindi din namin siya tinatalian dahil kami lang naman nila mama ang sinusundan niya. Hindi din siya iyong tipo ng aso na bigla na lang tatakbo kung saan-

"Raf Raf! Bumaling ka rito!"

Hindi na ako magtataka kung magigising lahat ng natutulog na guest dito sa BHO CAMP sa lakas ng pagtili ko habang hinahabol ang aso na bigla na lang sinaniban ng kung anong masamang elemento.

Sa kabila ng tulin ko sa pagtakbo nagawa pa rin akong unahan ng bubwit. "RAF RAAAF!"

Ibibigti ako ni Mama kapag may nangyaring masama kay Raf Raf. Hindi pa namin nagagawang palahian si Raf Raf na siyang magpapatuloy sa lahi ni Aff Aff The Great.

Napapreno ako bigla sa pagtakbo ng mamataan ko si Raf Raf na ngayon ay tumalon ng mataas sa bisig ng pinakagwapong lalake sa balat ng lupa. Tumikhim ako at inayos ko ang sarili ko bago kumukurap-kurap na animo dispalinghado na bumbilya at nagpa-cute sa lalaki.

"Hi there, hottie." umakto pa ako ng pagkalmot sa hangin. "Rawr."

Pigil ang ngiti na nagpalingon-lingon sa paligid si Fiere bago ako tuluyang nginitian. Bumuka ang bibig niya at mahinang bumulong, "Good morning, beautiful."

Napasimangot ako sa sinabi niya at namewang ako, "Fiere naman eh! Sabi ko sa'yo 'wag mong kakalimutan na hindi pwedeng isang adjective lang ang pinangdedescribe sa akin. Pero dahil bagay ta'yo pagbibigyan kita."

Kumekendeng-kendeng na lumapit ako sa kaniya pero bago sa panggigilalas ko ay hindi pa ata sapat ang lapit ko sa kaniya dahil bigla niya akong hinapit papunta sa kaniya. Nanglalaki ang mga mata na nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang isa niyang braso na pumalibot sa bewang ko habang ang isa ay nakahawak kay Raf Raf na nakikigroup hug sa amin.

"F-Fiere ano ka ba...baka may makakita sa atin."

"Sana nga." bulong niya.

"What?" I whispered in surprise. "Alam mong-"

Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya at dahan-dahan akong pinakawalan. Inabot niya sa akin ang nagpapapasag na si Raf Raf. Nanatili akong nakatulala sa kaniya dahilan para mapailing siya at pagkatapos ay marahang tinapik ako sa ulo.

"I was just joking." he said.

"O-Okay?" naging tunog patanong ang sinabi ko. "Ang aga-aga mo naman manggulat Fiere. Hindi pa gising ang kaluluwa ko kapag ganitong kaaga."

"I know." he said with a winked. "Mauna na'ko. Mag almusal ka na ha? Baka pumayat ka niyan."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kakain talaga ako dahil baka mabawasan pa ang kasexyhan ko. Yah know? I love myself too much yow! Pero wait...saan ka pupunta?"

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon