CHAPTER 15 ~ Home ~

84.7K 2.6K 442
                                    

CHAPTER 15

ATHENA'S POV

"Anong almusal?" naghihikab na tanong ko pagkababa ko ng hagdanan kung saan naabutan ko si Kuya Adonis at asawa niya na kasama ang mga chikiting nila.

"Ewan ko kay, Papa. Kanina pa nga kami naghihintay." sagot ni kuya na inabot sa akin ang panganay niyang anak na si Russia na kaagad namang yumakap sa akin. "Say hi to Tita, Rush."

"Heyo, Tita Nina."

Magaang pinisil ko ang chubby na pisngi ng bata. "Hello din bulol. Anong gusto mong breakfast?"

"Pancwake!"

Pinaikot ko ang mga mata ko at kargang dinala ko siya sa kusina. Hindi na ako nagtaka nang pagpasok ko ay naabutan ko si Papa at Mama na kasama si Ainsley. Kulang na lang ata ay hindi siya ibigay sa akin nila Papa kaninang madaling araw na makarating kami.

"Lowaaa!" sigaw ng mag-aapat na taon na bata at nagpapasag para maibaba ko siya at makatakbo papunta kay Mama.

Nanggigigil na pinisil din ni Mama ang pisngi ni Russia at binuhat para itabi kay Ainsley na nakaupo sa counter. "Sino bang nagturo sa batang 'to na tawagin akong lola?" nakangusong tanong ni Mama. "Russia, mamita para sosyal okay?"

"Tutyal?" nakakunot noong tanong ng bata.

"Mismo!" pumapalakpak na sabi ni Mama at sinubuan ng pancake si Russia na pumalakpak rin dahil nagbigyan siya ng pagkain. Sa lahat naman kasi ng mga bata si Russia lang ata ang hindi namimili ng kakainin. Kahit pa ata gulay. Ang aga nga ring tumigil mag gatas ng batang 'to dahil masyadong advance ang panlasa pagdating sa pagkain.

Nakangiting naglipat ako ng tingin kay Ainsley na hindi nagsasalita at tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Russia. Halata sa kaniya ang pagkailang. Hindi ko siya masisisi. Hindi naman siya sanay sa isang magulo at malaking pamilya. I can feel a twinge in my heart as I look at her knowing that I robbed her off that chance.

"Kumain ka na, sweetie?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa po masyado. Sabay na daw po tayong lahat."

Nakangiting tumango ako. "That's good. Come on, I'll help you get down." sabi ko at tinulungan ko siyang makababa mula sa counter. Atubiling ibinigay niya sa akin ang mga kamay niya.

Nang makababa ay hindi ko binitawan ang kamay niya at iginaya ko siya papunta sa dining room. Kasunod namin sila Mama na paniguradong dala na ang mga pagkain. Pumuwesto na ako sa partikular na upuan ko sa mahabang lamesa na iyon at akmang uupo si Kuya Adonis sa tabi ko nang nakasimangot na basta ko na lang siyang itinulak.

"What the-"

"Bawal bad words." nandidilat ang mga matang sabi ko sa kaniya. "Anak ko ang uupo diyan. Tsupi."

Naniningkit ang mga matang tinignan niya ako bago nag-angat ng tingin kay Mama na inaayos ang pagkain sa lamesa. "Ma, si Athena o."

Nanatiling sa mga pagkain nakatingin si Mama na sanay na sanay na samin at nagsalita, "Athena 'wag mong itulak ang kuya mo at hindi magandang example 'yan sa mga bata." pagkasabi niyon ay tinignan ako ni kuya na tumaas ang kilay na animo sinasabi sa aking 'Narinig mo 'yon?'. "At ikaw naman Adonis, lumipat ka na lang ng pwesto at mula ngayon ay si Ainsley na ang may-ari ng upuan na 'yan. May asawa ka na kaya mag move on ka na."

Binelatan ko siya at inirapan bago ko iginaya si Ainsley na tumabi sa akin. Normally naman si Ate Sky at si Kuya Adonis magkatabi kung umupo dito sa dining. Kaso kapag nandiyan ang mga chikiting nila na sina Russia at Nero ay bumabalik si kuya sa orihinal niyang puwesto which is sa tabi ko.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now