CHAPTER 13 ~ Hourglass ~

72.4K 2.2K 240
                                    

CHAPTER 13

ATHENA'S POV

"Is she okay?"

Walang emosyon na mababakas sa mukha na sinalubong ko ang tingin ni Aiden. Bumuntong-hininga siya at nilingon ang asawa niya na nakapamewang na naghihintay sa pintuan ng gate nila habang nakatingin sa amin kung saan kabababa ko lang kay Ainsley na karga-karga ko.

"What do you think?" I hissed. "Nakiusap ako ng maayos dahil hindi niya gustong umuwi. Mula pa kanina hindi na siya tumitigil umiyak."

"You know it won't be easy with Pauline." Aiden whispered.

Muli kong tinapunan ng tingin ang babae na naniningkit ang mga matang nakatingin rin sa akin. Kung dati ay kulang na lang ay 'wag niya ng pauwiin ang bata at pilit na pinagtutulakan na kunin ko ay ngayon naman ay umaakto ito na para bang inaagaw ko sa kaniya ang bata. "Kayo na ang nagsabi na kunin ko siya."

"Sinabi ko naman sa'yo, nagbago ang isip ni Pauline-"

"Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to." sabi ko na nananatiling pabulong. "I left her with you because you're her father and at that time I thought it was for the best. Pero walang pinal na custody si Ainsley."

"Ayoko din na magkagulo, Athena. Alam ko na nangyari lahat 'to dahil sa'kin. But for now, let's just do what she wants. Ilalaban niya ang custody ng bata-"

"Kapalit ng alin? Na maisalba ang kompanya niyo?" puno ng asido ang boses na tanong ko.

Muling napabuntong-hininga ang lalaki. Nagbaba ako ng tingin kay Ainsley na mahimbing na natutulog sa mga bisig ko. Nakatulugan na niya ang pag-iyak dahil gusto niya na sumama sa akin habang si Hera ay naiwan sa mall dahil siya ang kumakausap ngayon sa mga pulis. Tumawag ako kaila Aiden na sa akin muna si Ainsley pero hindi pumayag si Pauline at pinababalik ang bata.

Sa paraan na maiintindihan niya pilit na ipinaliwanag ko kay Ainsley ang sitwasyon. Ilang buwan na lang anim na taon na siya. Napakabata pa niya pero nakita ko kung paano niya sinubukang intindihin ang mga paliwanag ko. But she's still a child. Kahit na umaakto siya na wala lang sa kaniya ang sitwasyon namin kung saan hindi madaling makuha ko siya ay alam kong nahihirapan na siya.

"I'll give you this week, Aiden." I said in a low voice. "I don't owe you anything especially not her. Anak mo din si Ainsley at responsibilidad mo rin siya. Kung itinuring siya ni Pauline bilang pamilya niyo at hindi ginagamit bilang pain sa akin, kung hindi niya harap-harapan na iniitsapwera si Ainsley na para bang laruan lang siya na pwedeng ipamigay, kahit siguro habang buhay na bumibisita lang ako sa kaniya matatanggap ko. Parusa iyon dahil nagkulang ako."

Labag man sa kalooban ay akmang ipapasa ko na sana ang bata sa lalaki nang mahawakan ko ang braso ng natutulog na si Ainsley at bigla na lang itong mapapitlag. Hindi siya nagising pero sapat na ang kilos niya para magduda ako. Nangyari na'rin ito kanina.

Kunot-noong itinaas ko ang manggas ni Ainsley at hindi lang ako kundi si Aiden ang napasinghap. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin siya sa asawa niya pero nanatiling nakapako ang mga mata ko sa braso ng bata. Nangingitim iyon.

Kung pasa lang iyon ay maaaring nabangga lang siya kung saan. Pero malinaw na malinaw sa nakikita ko na ang bakas ng mga kuko ang naroon.

"Aiden!" puno ng galit ang boses na sambit ko.

"H-Hindi ko alam-"

Ipinasa ko sa kaniya si Ainsley at sa malalaking hakbang ay tinungo ko ang kinatatayuan ni Pauline na nawala ang mayabang na ekspresyon at napalitan iyon ng pagkagulat.

Hindi na magawang makabawi ni Pauline dahil pagkalapit na pagkalapit ko sa kaniya ay marahas na dumapo ng palad ko sa pisngi niya. Halos bumakat ang kamay ko sa namumula na ngayong mukha ng babae na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now