CHAPTER 27 ~ Intervention ~

58.4K 1.7K 83
                                    

CHAPTER 27

ATHENA'S POV

"The wheel of fate for the Meris family turns out to be not in their favor as the head of the family, Rodney Meris faces criminal charges this morning. Only two weeks ago that the family's case against the Lawrences been dismissed as the court decided that the plaintiff might have provided series of false evidences. Rodney Meris are now confronted with criminal prosecution not only for giving false and misleading evidences against Athena Lawrence but also for child abuse, kidnapping, attempted murder, and trafficking of contraband weapons and ammunition."

I turned off my tablet device and closed my eyes. Sa loob ng dalawang linggo ay wala na ata akong napanood at narinig sa balita kundi ang tungkol sa kaso ng mga Meris. Mabilis ang naging pagkilos ng BHO CAMP para maipasa sa kinauukulan lahat ng impormasyon na nakalap namin. Of course, Dawn and Triton pulled some strings to make sure that everything would take effectivity as soon as possible. The case against me regarding child abuse has been dropped two weeks ago. Nagawang makuha ng fifth team a.k.a. the party team ang mag-inang sina Gracia Medina at Daisy Medina. Gracia was one of the maids of the Meris family and she is also our key witness to prove that I didn't hurt my daughter dahil ang anak ni Gracia na si Daisy ang nasa larawan at hindi si Ainsley. Imposibleng makakuha sila ng larawan kung saan maipapakita ang mga pasa ni Ainsley dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na gawin iyon dahil nakuha ko na si Ainsley ng mga panahon na iyon. Para magawa nila akong ipitin, ginamit nila ang anak ni Gracia na si Daisy sa pamamagitan ng pananakit dito.

Pero halos hindi lang iyon ang naging ingay sa media dahil agad nalipat ang pokus ng mga ito sa bagong issue na lumabas; ang mga ilegal na transaksyon ng mga Meris. Ang mga impormasyon na nakuha ng third team ay ang paghuli nila sa akto sa business dealings ng mga Meris ang nagsilbing pruweba sa mga ilegal nilang gawain.

Bukod pa ro'n ay laman din ng balita ang ginawang pagdakip sa ina ni Aiden para i-blackmail siya at sa ginawa nilang pagtatangka sa amin kung saan nag resulta sa pagkakaospital ng lalaki.

Everything is going well. Ang tanging nakakapanglumo lang ay nagawang makatakas ng isa sa kanila sa mata ng hustisya.

Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman kong huminto ang kinaroroonan ko na sasakyan. "Sigurado ka bang hindi mo ako gustong sumama sa loob?"

Bahagya akong ngumiti at tinanguhan ko si Stone na siyang nagmaneho sa akin papunta rito. "I'm fine. Sandali lang ako."

Lumabas ako ng sasakyan dala ang isang brown envelope habang napapatingin ako sa malaking bahay sa harapan ko. The Meris Family's house. The house screams or riches...of grandeur. It doesn't feel like a home but rather a statement. Pero sa kabila niyon...sa kabila ng ganda at karangyaan ay hindi nito nagawang bigyan proteksyon ang mga tao sa loob no'n. Because money can't do everything. You can only use it to create fear, but you cannot use it to keep the truth forever.

Kumatok ako sa gate pero katulad ng inaasahan ay walang sumagot doon. Itinulak ko ang pintuan at hindi naman ako nahirapan dahil nakaawang na 'yon. Tuloy-tuloy na pumasok ako habang inililibot ko ang paningin ko sa paligid. Tahimik ang lugar na para bang wala ng nakatira ro'n. Hindi na rin nakakapagtaka dahil sa dami ng mga nangyari ay sunod-sunod ding nag-alisan ang mga taong noon ay sumumpa ng katapatan sa kanila. Loyalty made out of fear is fragile that a mere blow of the wind can cause it to tumble.

My family is that wind that causes them to break.

"This is trespassing."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Pauline na nasa pintuan ng bahay. Hindi katulad nang ilang beses kaming nagkaharap ay hulas ang mukha nito sa kung ano mang kolorete at tanging lukot-lukot na damit lang ang suot niya.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now