CHAPTER 20 ~ Perfect ~

72.2K 1.9K 108
                                    

CHAPTER 20

ATHENA'S POV

Kasalukuyan kong tinutulungan si Ainsley sa paghimay ng tocino niya. Parang ako lang noong bata pa ako. Dahil naturalesa ko na ang pagiging maarte sa mga bagay-bagay may mga preference ako sa pagkain ko. Katulad na dapat, kapag fried chicken ang ulam breast part lang ang sa akin, pagkakain ako ng junior pizza dapat tatlo lang ang hati para 'I love you', at kapag kakain ako ng tocino dapat sobrang liliit ng hiwa.

Napapangiti na lang ako nang magana namang kumain ang bata. Nandito pa rin kami sa villa ng The Camp. Masyado kasing malaki ang headquarters para doon mag stay si Ainsley. Mamaya kung ano pa ang makita nihya. Hindi ko pa rin kasi naipapaliwanag sa kaniya ang lahat tungkol sa akin.

Unlike the other BHO CAMP chikitings, hindi naman kinalakihan ni Ainsley ang buhay dito. Medyo nakakalungkot nga lang na hindi niya naeexplore and headquarters katulad namin noong mga bata pa kami. But even so, I don't have plans on hiding the truth to her. Ang pagiging agent ang isang bagay na hinding-hindi ko ikahihiya.

"Pagkatapos mong kumain gusto mong mag swimming, Ains?"

Umiilaw ang mga matang napatingin siya sa akin at sunod-sunod na tumango. "Opo!" unti-unting nawala ang ngiti niya na parang may naalala. "Kaso po sira daw po yung heater ng pool sabi ni Tita Sky po. Dapat po mag su-swimming kami kasama sila Russia."

"It's okay, meron pa naman isang pool na pwede nating puntahan." nakangiting sabi ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang pool sa headquarters.

Mabuti na rin siguro na doon kami pumunta para masimulan ko na din sa kaniya ang pag iintroduce sa BHOCAMP. Bukod sa hindi siya lumaki dito siya rin ang pinakamatandang chikiting ng generation nila. Kaya alam kong mas marami siyang magiging katanungan.

I lovingly ruffled Ainsley's hair when she beamed at me. Hindi katulad noon, hindi na siya naiilang sa paghawak ko sa kaniya. I can't say that she's fully giving her heart to me, pero malaki ang pagbabago ng relasyon namin kesa noon.

"Nandon po ba siya?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa kinakain ko. "Hmm?"

"Yung friend niyo po. 'Yun pong detective."

Natigilan ako. Hinahanap niya si Fiere. He must really left an impression on her mula noong magpunta kami sa mall at ipasyal siya. "Do you want him there?"

Nag-iwas ng tingin sa akin si Ainsley at nagpatuloy sa pagkain niya bago nagsalita sa tahimik na boses, "Okay lang po. Para po hindi kami malunod kasi may magsesave samin."

Pigil ang ngiti na tumango-tango ako, "Sa tingin ko naman nandon siya."

Mukhang hindi lang detective at bodyguard ang magiging role ni Fiere kay Ainsley kundi pati life guard. But Hera was right. Ainsley is a bright child. Nasa gulang na rin siya na alam kong nakakaramdam na siya sa mga bagay sa paligid niya. I know she still wants me to be with her father...pero alam ko din na paunti-unti ay naiintindihan niya na imposible na iyon para sa amin.

I just hope I can give her the life that I would be enough for her as a parent. Buhay na hindi niya iisiping hindi normal ang meron siya kumpara sa iba. I would be her mother as long as I can live and Aiden will be her father. We can be her parents but we just can't do it while being together.

"Mama?"

Tila musika sa pandinig ko ang salitang itinawag niya sa akin. Abot hanggang tainga ang ngiti na sumagot ako, "Yes, baby?"

"Is Tita Sky's husband your brother?"

"Yes and he's your uncle."

Bahagyang kumunot ang noo niya na parang may malalim na iniisip, "Pero po hindi kayo magkamukha. Matangkad lang din po siya katulad ni Papa Craige."

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now