CHAPTER 22 ~ Weather ~

65.9K 1.9K 276
                                    

CHATER 22

ATHENA'S POV

"Ang pangit."

Inirapan ko lang si Nyx na nakapalumbabang nakatingin sa akin. Pero syempre hindi ako ang tinutukoy niya dahil imposibleng pumasok ang salitang pangit kapag mukha ko ang tinutukoy. Sa kwintas na suot ko siya nakatingin pati na ang katabi niya na si Chalamity.

"Hindi naman Ate Nyx. Cute nga eh. Uhh...medyo weird lang." sabi naman ni Chalamity.

"Pangit. Mukhang candy."

Napapabuntong-hininga na pinasok ko ang kwintas ko sa loob ng suot ko na blouse para hindi na nila mapag-initan iyon. Hindi na ako naninibago o naiinis dahil hindi lang sila ang pumuna no'n. Hindi naman kasi talaga pangit. Halata rin na hindi siya mura dahil totoo ang mga nakapalibot doon na gems. 'Yon nga lang wala naman kasing nagsusuot ng ganito. Eh sa unique ako eh. For sure one of this days gagayahin na nila ang amazeballs kong fashion trend.

"Duh. Lollipop nga eh." sabi ko sa babae at pinanlakihan siya ng mga mata.

Binelatan ako ni Nyx at umayos na mula sa pagkakayukyok niya sa lamesa. Hindi na ako nagtataka kung bakit walang filter ang bibig ng babae. Tirik na tirik na kasi ang araw kaya paniguradong tulog na ang diwa niya. Si Nyx na kasi ata ang pinaka-nocturnal na taong nakilala ko sa buong buhay ko. "Bakit ba hindi ka na lang umuwi at matulog? Parang babagsak ka na anytime eh."

Napataas ang kilay ko ng ngumisi si Chalamity at siniko si Nyx. Mukhang walang lakas ang katawan ni Nyx dahil napadausdos siya patagilid sa lakas ng pagsiko ng babae. Kung hindi pa siya nakahawak ay baka sumemplang na siya.

Inis na umayos siya ulit ng upo at binigyan ng matalim na tingin si Cha na ngingisi-ngisi lang. "Umayos ka nga. Pag ganitong gusto ko ng matulog, ililibing kita ng buhay."

"As if. Sumbong kita sa best friend ko." sabi ni Chalamity.

"Anong meron kay Chly?" tanong ni Nyx na ang tinutukoy ay ang nag iisang anak ni Tito Ice at Tita Summer.

"Pagagawa kitang amphibian sa nobela ni Tita Summer at ipalalason kita kay Tito Ice kapag pumunta ka sa BHO CAMP Hospital." Doon kasi nagtatrabaho ang kakambal ng tatay ni Fiere na si Tito Ice. Magkakasama sila roon tatlo nila Tita Autumn.

"Wow." walang katiting na pagkabilib na sabi niya.

Tumikhim ako at kumaway sa kanila. "Hello? Pwedeng paki kuwentuhan muna ako kung anong nangyayari kasi nandito po ako eh. Lalayasan ko na kayo kapag hindi niyo pa ako inentertain."

Kanina pa kasi ako dito sa Craige's. Kasama kasi ni Mama si Ainsley sa bagong tayo na salon dito sa loob ng BHO CAMP, ang Certified Dyosa. Para lang siya sa mga babae at nag ke-cater din sila for kid ng kid-friendly na services. Hindi naman ako nakasama kaila Mama kanina dahil pinatawag ako ni Dawn para ayusin ang mga mission ko dahil magiging busy ako para asikasuhin ang problema tungkol sa mga Meris.

"Ako na lang ang magkukuwento kasi mukhang nasa dreamland na ang kaluluwa ni Ate Nyx eh." natatawang sabi ni Chalamity. "Nag-away kasi sila ni kuya E."

"Anong bago ro'n?"

"Nag-away kasi sila dahil nagselos si Ate Nyx."

"Hindi ako nagselos!" madilim ang mukha na singit ng babae.

Parehas namin siyang hindi pinansin ni Cha, "Tapos?"

"Hinahanap niya kasi si kuya Erebus tas nakita niya may ka-date. Tas si Kuya gising na gising ang diwa. Parang interesado talaga ro'n sa babae!"

BHO CAMP #6: The Sweet SecretDonde viven las historias. Descúbrelo ahora