CHAPTER 12 ~ Word ~

81.8K 2.2K 173
                                    

CHAPTER 12

ATHENA'S POV

"Gilbert Allano, 41 years old, owns the Estrella Paradiso named after his late wife. Magkakilala sila ni Renzo Cavas at ayon sa source ay wala naman silang pagkakaalitan. Allano was in fact a member of Club Paradise as well as his wife. Allano's Estrella Paradiso is also a resort pero mas mura ang bayad dahil pang masa. Mas dinadayo siya noon at mas malaki ang income kesa sa Club Paradise iyon nga lang ay nag boom bigla ang Club Paradise nang ma-feature ito sa isang sikat na TV Show. Estrella Paradiso is now in danger of being put down. Siyang dahilan kung bakit kinuntiyaba niya si Esteban at si Liza Allano also known as Liza Mason, the mistress of Renzo Cavas, who is in fact married to Gilbert Allano's brother Paul Allano, a police officer. Dahil sa mga taong ito ay naging posible ang pagsagawa ng senaryo kung saan ang target nila ay hindi na dayuhin ang lugar."

Nakatutok ang mga mata ni Dawn sa folder na hawak niya habang nagsasalita ako. Hindi ako tinitignan na iginalaw niya ang isa niyang kamay bilang senyales na magpatuloy ako.

"Matagal ng nagtatrabaho si Mayette Esteban sa Club Paradise pero hindi man lang siya nabibigyan ng raise. Bukod pa roon ay ilang mga empleyado ang nagsabi na ilang beses na ring nagpapapansin si Esteban kay Cavas pero hindi siya pinapansin ng lalaki. Then Esteban met Gilbert Allano and in Esteban's words "Importante siya sa akin at gagawin ko ang lahat para sa kaniya." Si Esteban ang siyang nagsasagawa ng pagkakalat ng mga kung ano-anong kuwento tungkol sa resort na kung saan ang totoo ay siya lang naman ang gumagawa ng mga ingay na naririnig sa gabi pati na ang pagkamatay ng mga security camera at mga ilaw. Sa pagsagawa nito, papasok ang mga tauhan ng mga Allano, ilalagay ang mga piraso ng katawan mula sa isang bangkay, ikakalat ang dugo at pagkatapos ay aalis kasama ang babaeng binayaran nila upang kuhanin ang atensyon ni Renzo Cavas at palabasin na si Cavas ang huling nakasama nito bago kinabukasan ay mababalita na patay na ang babae. Falsifying these are easy dahil may katungkulan ang kapatid ni Gilbert Allano na si Paul Allano."

Sinarado ni Dawn ang file at tinanguhan ako. "Good job. Freezale will contact you if there's another mission for you."

Imbis na umalis dahil senyales na ito na dinidismiss na ako ni Dawn ay nanatili akong nakaupo. "Anong mangyayari sa asawa ni Cavas na si Danica? Will she still live with that cheat?"

"It's their problem, Athena. Kung hindi hihingi ng tulong si Danica ay wala tayong magagawa. And sometimes we can't go between other's business because it's not our decision to make. Kailangan lang nating maghintay kung kailan sila hihingi ng tulong sa atin."

Napasandal ako sa upuan na kinauupuan ko sa sinabi niya. Sa paraan ng pagkakatingin sa akin ni Dawn ay walang duda na may laman ang sinasabi niya. Seriously. I can't hide anything from my parents and it looks like I can't hide from this person too.

Hindi na ako magtataka kung pati si Freezale ay may alam din. Kambal ata ang utak ng babae pati na nitong si Dawn. And of course, kung alam nila paniguradong alam na rin ng mga asawa nila.

"Wala na ba talagang sekreto na tumatagal sa lugar na 'to?" napapabuntong-hininga na tanong ko.

"Wala. But don't worry, kung sino lang ang naiisip mo na nakakaalam ay sila lang."

"Great." I said sarcastically.

"It's just recently that we discovered it kung iyon ang pinangangamba mo."

Hindi ako sumagot at sa halip ay nag-iinat na tumayo ako at sinaluduhan ko ang babae na napapailing na lang. Tinalikuran ko na siya at naglakad ako palabas ng opisina niya. Mahinang napamura pa ako nang mapadaan ako sa kinaroroonan ng aquarium niya kung saan nakaangat ang ulo ng malaki niyang ahas na si Twinkle. Sa lahat naman ng pwedeng maging pet ng taong 'to.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now