CHAPTER 1 ~ Later ~

206K 3.1K 305
                                    

CHAPTER 1

ATHENA'S POV

Pinagtitinginan na ako ng mga guest pero pinagpatuloy ko lang ang paglantak sa malaking burger na hawak ko. Ilan pa sa kanila ay napapatingin sa lamesa nila kung saan may burger din na naroon. Iyon kasi ang specialty of the day nina Ocean at ni Kuya Hermes ngayong araw na ito.

Pero dahil mas special pa ako sa special siyempre hindi pwedeng kaparehas ng mga hamak na taga-lupa ang pagkain ko. Kaya pinasadiya ko kay Kuya Hermes na maging kasing laki ng plato ang sa akin.

"Baka gusto mong bumaba mula riyan."

Tinignan ko ang nagsalita. Si Nyx, isa sa mga kasamahan ko. Kahit hindi siya sa akin nakatingin at sa halip ay sa "alaga" niyang si Erebus na nakasandal sa pader na siguradong tulog na naman ay alam ko na ako ang kinakausap niya.

Si Nyx ay anak ni Tita Cassandra at ni Tito Andreige Lawrence na isa sa apat na mga Lawrence na siyang nag ma-may ari ng The Camp bago pa ito maging BHO CAMP. Si Tito Andreige din ay kapatid ng ama ko na si Craige Lawrence. Si Erebus naman ay anak ni Tita Quin and Hade Davis na mga agent noon.

Yes. Agents.

BHO and The Camp are two different organizations before but they decided to merge and thus became BHO CAMP. Isa itong organisasyon na nagsasanay ng mga agent na sumasabak sa iba't ibang missions. Ang mga misyon ay nanggagaling sa iba-ibang kliyente. Pero bago matanggap ang mga ito ay gumagawa muna ang organisasyon ng masusing pagsisiyasat para masigurado na hindi kalaban ng batas ang kliyente. After all, the organization never side with injustice.

To keep our identities safe, the whole organization has a front. Sa mga tao ang BHO CAMP ay isa lamang leisure place sa Tagaytay na maaaring puntahan kapag gusto nilang mag bakasyon, outing, o minsan lugar lang na matutuluyan para sa mga taong nagkataon na naligaw sa tagong kinaroroonan ng lugar. We agents work for the "front" to have our covers as bartenders, waiters, cooks, gardeners, and even janitors.

But this place is not just a work for us. It's also our home.

Dito na kami lumaki. Dahil mga genius ang mga magulang namin at nagsanib ang mga pwersa nila...literally, ay nabuo ang mga magaganda at gwapong supling na kalaunan ay naging pangatlong henerasyon ng mga agent.

Disclaimer lang. Hindi nga pala ako kabilang sa mga "magaganda". Dyosa kasi ako. Ibang level 'yon.

"May mataas ba kayong lamesa rito saka mataas na upuan?" tanong ko.

Napakunot-noo si Nyx sa tanong ko, "Para saan?"

"Gusto ko mataas ang inuupuan ko. Para nakikita ko ang nasasakupan ko. You know?"

Nyx made a disgusted expression and turned her back on me. Pumasok siya sa loob ng kusina habang ako naman ay ngi-ngisi ngisi lang. Kahit kailan talaga hindi nila matagalan ang napakaganda kong sense of humor.

"Well, small price to pay. Kapag genius ka talaga mahihirapan kang intindihin ng mga taong normal lang ang utak."

Inilibot ko ang paningin ko sa buong Craige's, ng restaurant ng BHO CAMP. Kaagad umabot hanggang outer space ang ngiti ko nang huminto ang mga mata ko sa kinaroroonan ng pag-ibig ko.

Fiere Roqas. Ang lalaking kahit nang mga teenagers pa lang kami ay pwede ng maging cover sa sikat na magazine. He has this natural sexy smile, sexy eyes, and sexy body. In short bagay kami.

"Hey baby, whatcha doing? Did you miss me? Give me some loving yow!" I whispered as I keep on looking at him.

He's with his sister Aiere. Their twins actually. Ang kuwento ng nanay kong dyosa, maliit pa lang daw ang kambal hindi na talaga mapaghiwalay. Kapag nawala ang isa, iiyak ang isa. Sila lang ang nakakapagpatahan sa mga sarili nila. I love the bond they have as siblings. Kita kasi sa lalaki ang pagmamahal niya sa kapatid niya at ganoon din ang babae.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα