CHAPTER 21 ~ Now ~

88.5K 2.1K 289
                                    

CHAPTER 21

ATHENA'S POV

Pupungas-pungas na bumangon ako sa pagkakahiga ko at dahan-dahan kong inalis ang braso ni Ainsley na nakayakap sa akin. Inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya bago ako tumayo at lumapit sa pinto. I heard the low buzzing sound again.

Nandito kami sa flat ko sa headquarters. Kinakailangan na rin kasing bumalik ni Mama sa mansiyon para bisitahin iyon at si Papa naman ay aasikasuhin pa ang negosyo namin. Ainsley and I could live in the BHO CAMP villa pero mas panatag ang loob ko na dito muna kami sa headquarters. Hindi rin naman nanibago masyado si Ainsley at mas nalibang pa nga dahil mas maraming tao rito. Idagdag pa na mas malapit ang daan dito papunta sa playground na pinagawa ng mga Elite agents noon para sa amin na mga bulilit pa lang ng mga panahong iyon.

Inaantok pa na sinilip ko ang monitor malapit sa pintuan pero wala akong makita roon na kahit na sino. Malamang ay isa sa mga agent na nanggugulo na naman ang tumatakip sa camera ko sa labas.

"Kung nandito ka para mambulabog umatras ka na dahil nangangain ako ng tao-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang hindi kung sa sino man sa mga asungot na agent na naiisip ko ang nabungaran ko kundi ang clean shaven, fresh na fresh, at parang masarap i-almusal na si Fiere.

Iniangat niya ang kamay niya na may dalang paper bag, "Breakfast delivery for my baby."

Kung si Fiere siguro ang taga-deliver ng breakfast sa buong mundo wala ng taong tatanghaliin ng gising. Look at that face...that body...that kissable lips...

Naputol ang pangmamanyak ko sa kaniya nang maramdaman ko ang magaang dampi ng labi niya sa akin. Bahagya niya akong itinulak papasok ng flat ko para makapasok siya at siya na rin ang nagsarado niyon.

"Mukhang antok pa ang Athena ko ah?" may ngiti sa labi na sabi niya at hinawi ang parang kinuryente na buhok ko.

Sunod-sunod na napakurap ako at nanatiling nakatingin lang sa kaniya. Mahina siyang tumawa at iginaya ako sa kitchen island ko. Umupo ako sa high stool at siya naman ay tumabi sa akin pero imbis na umupo ay sumandal lang siya sa lamesa at nagbaba ng tingin sa akin.

"Ang gwapo mo." bulong ko habang nakatingala sa kaniya.

He chuckled and shook his head at me. Marahang pinisil niya ang ilong ko bago siya dumukwang para halikan ang noo ko. "Kaya nga bagay tayo kasi dyosa ka di ba?"

Napangisi ako at nag hair flip ako kahit ba sabog-sabog iyon at parang ayaw makisama. "Wag mo ako masyadong puriin. Hindi pa ako dyosa ngayon dahil kagigising ko lang. Magandang-maganda pa lang ako. Mamaya ko na i-ke-claim ang korona ko, okay?" "Okay." His eyes are twinkling with amusement as he agreed. Inilabas niya na ang laman ng dala niya. "Ocean and Hermes are both being crazy kaya naka-mystery specialty sila today so I won't know kung ano ang breakfast nila. Nag order na lang ako ng burger steak sa Jollibee."

Tumaas ang kilay ko habang nakatitig sa pagkain. Nag-angat ako ng tingin kay Fiere na mukhang nagtataka sa reaksyon ko pero maya-maya lang ay bumakas sa mukha niya ang realization. Sa mundo kasi ng BHO CAMP may dalawang klaseng salita na kakaiba ang dating sa mga agent. Noon sa BHO, kapag sinabing "meeting" ang ibig sabihin niyon ay ang kakaibang pag-uugnayan ng dalawang tao na hindi business related o kahit ano pang matinong bagay na pwedeng pag-meetingan. In short, puro kahalayan..

Sa The Camp naman iba ang ibig sabihin ng "Jollibee". Ang kawawa at inosenteng chubby na bubuyog ay katumbas lang sa "meeting" ng BHO ang ibig sabihin. Mabilis daw kasing kainin, isang order lang o isang bili lang, meron ka ng pagkain para sa may energy na ulit sa umaatikabo na namang pag me-meeting.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretDove le storie prendono vita. Scoprilo ora