CHAPTER 7 ~ Princess ~

86.6K 2.1K 260
                                    

CHAPTER 7

ATHENA'S POV

Hinihilot ko ang sentido ko habang nakahiga sa isa sa mga lounge chair sa pool are ng headquarters. Araw ko ng pagrerelax dahil malapit na akong pumalahaw ng iyak dahil sa mga trainee ng BHO CAMP. Hindi naman sa mahirap silang turuan. Kung tutuusin nga ay ang bilis nilang matuto.

They have passion for this job. Some, even more than we have. Iyon nga lang ay katulad namin ay matitigas din ang ulo nila. Kaya hindi natatapos ang bawat training na hindi nila kinukuwestiyon ang ginagawa namin. Lalo na iyong mga mas matanda sa amin na trainees.

"Okay ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin. Bahagyang napakunot noo ako nang makita ko ro'n na nakatayo si Aiere. Binababa ko ng bahagya ang eye shades ko. "Uy, naligaw ka!"

"Dito talaga ang punta ko."

Binalik ko sa pagkakaayos ang shades ko at napangiwi. Malditang maganda talaga ang isang 'to. May word na "maganda" okay? "Sabi ko nga. Ang shonger shonger ko talaga hu-hu-hu."

Tinanggal niya ang pull over niya dahilan para tumambad ang one pice swimsuit niya na hindi naman ata one piece dahil halos wala ng tinakpan iyon sa likod at sa harap naman ay ang baba ng neckline.

Tama nga si Tita Autumn, maganda ang lahi niya. Buti na lang talaga girlalu talaga ako inside and out. Kung confuse lang ako sa preference ko baka natomboy na ko mygholay! Parang gusto na tuloy tanggalin ang suot kong cover up dahil naapakan ang ga-mundo ko na pride.

"Makita ka ng kuya mo."

"Hindi niya ako makikita." sabi niya at umupo sa katabi ko na lounge chair.

"Bakit? Binulag mo?"

Lumingon siya sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. Napahalakhak ako. Hindi talaga tinatamaan si Aiere sa mga patawang dyosa ko. "Ikaw naman, hindi mo talaga ma-take ang mga joke ko no? Bakit kaya hindi ka nagmana kaila Tita Autumn at Tito Wynd? Abnormal ang mga iyon ah."

"Una sa lahat, bilib din ako sa'yo at hindi ka natakot na tawaging abnormal ang mga magulang ko sa harapan ko. Pangalawa-"

"Wag kang mag-alala hindi rin normal ang parents ko. Well...si Mama lang. Hindi kasi talaga normal ang mga dyosa. O tapos? Ano 'yong pangalawa?"

Pinaikot niya ang mga mata niya. "Pangalawa, mahirap ma-distinguish kung ano ang totoo at hindi sa iyo. Wala ka naman atang sineseryosong bagay sa mundo."

Imbis na kurutin ang babae dahil sa katabilan ng dila niya ay nginisihan ko na lang siya. "Seryoso kaya ako. Seryoso akong ligawan ang kuya mo."

"Ayoko."

"Chosera nito! Hindi naman ikaw ang liligawan ko. Hindi kita type, ew!"

Muling naningkit ang mga mata niya. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinanggal ko ang cover up ko, revealing my skimpy red two piece swimsuit. Inalis ko rin ang tali ng buhok ko at umakto na tila commercial model ng shampoo. "Oha?"

"Should I be impress? Maraming fashion model ang pumipila kay kuya-"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil bigla ko na lang siyang dinaluhong. Hindi para sabunutan kundi para umibabaw lang sa kaniya. Napatili siya ng sinimulan kong i-shake ang katawan ko. "Kaya bang talunin ng mga kiddie boobies ng mga model na iyon ang mga ito? Ha? Ha?"

"Athena get off! Kadiri ka!"

"No one can beat me! I'm the queen of the world!"

"Athena!"

BHO CAMP #6: The Sweet SecretNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ