CHAPTER 8 ~ Ring ~

85.3K 2K 221
                                    

CHAPTER 8

ATHENA'S POV

Kita ang hindi pagkapaniwala sa mukha ng dalawang taong hindi ko gugustuhing makita ako sa mga sandaling ito. Hindi ko nagawang makagalaw sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatingin lang ako sa kanila. Hindi na rin ako napansin ng kapatid ko na akala ay nakasunod ako sa kanila. So stupid, Athena. Bakit ba hindi mo naisip na may posibilidad na nandito sila ngayon?

Bata pa lang ako ay tiniyak na ng mga magulang namin ni kuya na hindi kami ang magiging pokus ng publiko. Hindi naman kasi kami mga artista kaya hindi naman naging mahirap na ilayo kami ro'n. Nagkataon din na hindi pala sama sila Papa sa mga ganitong pagtitipon at hindi naman nila kami pinipilit din sa mga pagkakataong sumasama sila. Maliban na lang sa araw na ito. Alam ko kasing sasama rin si Hera kaya naisip kong wala namang masama kung sasama ako. Besides it's the first time that my brother will be presented as the successor of our businesses. Bukod sa pagiging kilalang direktor ay siya ang susunod na mamahala sa mga negosyo namin. My parents asked me to do the same but my heart is really not on it and they respected my answer.

Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang paghakbang ni Aiden palapit sa akin pero napatigil siya kasabay ng paghawak sa akin ng kung sino. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Papa na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Are you alright Athena? Namumutla ka."

"I-I'm fine."

Halatang hindi siya naniwala sa sinabi ko pero hindi na siya nagkomento pa. Iginaya niya ako papunta sa kinaroroonan nila Mama pero bago tuluyang makalayo ay nakita ko ang mukha ni Pauline na hindi na pagkagulat ngunit pang-uuyam na ang nakabakas.

Nang makarating kami ni Papa sa kinaroroonang puwesto nila Mama ay naabutan ko si Hera na katabi ang kapatid niyang si Hermes. Nanlalaki ang mga mata niya at mukhang alam na niya ang nangyayari.

Umupo ako sa tabi niya at mahinang bumulong, "You should have warn me."

"I did!" she whispered back.

Binuksan ko ang dala ko na purse at kinuha ko ang cellphone ko mula roon. Tama nga ang babae. Sunod-sunod ang mga text niya na sinasabing magdahilan ako para hindi ako matuloy sa gathering.

"Pero okay na din di ba? At least pwede mo ng sampalin ng pera si Pauline. Barya ha? Para mas bongga." nakangising sabi ni Hera.

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Wala akong balak mag eskandalo."

"Ikaw wala. Eh pano ang bruhilda na 'yan?" inginuso ni Hera ang kinaroroonan nila Aiden pero hindi ako lumingon. "Ewan ko nga ba sa'yo kung bakit hindi mo pa noon sinabi sa kanila para hindi na masyadong lumaki ang ulo ng babaeng iyon."

"Para ano pa? Mabuti nga na hindi nila alam ang tungkol sa akin noon. At least nalaman ko ang totoong pagkatao ni Aiden." bulong ko. "Isa pa ayokong gamitin nila iyon laban sa akin. Lalo na ngayon."

Natahimik si Hera sa sinabi ko. Alam kong naiintindihan niya ang gusto kong iparating. Bumabagsak na ang negosyo nila Pauline. Paano kung gamitin nila si Ainsley para makuha ang gusto nila? Ngayon pa ba na kukunin ko na ang bata?

"Anong balak mo ngayon?" tanong ni Hera.

"Kailangan kong umalis."

Tumingin ako sa mga magulang ko. Tahimik na nag-uusap si Mama at Papa. Si Kuya rin ay nasa asawa niya ang atensyon. Mapansin kaya nila kapag bigla akong umalis?

No. Hindi pwede. Siguradong magagalit si Papa. Pero paano? "Hera-"

"Umarte kang hinihimatay." kaagad na sabi niya.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretWhere stories live. Discover now