CHAPTER 26 ~ Bunny Eraser ~

55.7K 1.5K 74
                                    

CHAPTER 26

ATHENA'S POV

Nananatiling pumapainlang sa paligid ang ingay na nagmumula sa pagputok ng mga baril pero nanatili akong nakaupo at nakatitig sa mga kamay kong duguan. Tila binuhusan ako nang malamig na tubig nang mawala sa paningin ko iyon at mapalitan ng mga kamay na sumakop sa mga iyon. Nag-angat ako ng mukha kung saan nakita ko ang nag-aalalang si Fiere.

"Everything would be fine, baby." he whispered to me.

Tumango ako pero muling nagbaba ng tingin kay Aiden na nasa tabi ko at ngayon ay dinadaluhan ni Phoenix. Nakita ko ring tumigil na si Stone kasabay niyon ay ang pagsulpot ni Kuya Adonis, Hermes, at Triton. Wala ng naring maririnig na putok ng mga baril sa paligid.

I felt my body went tense when Aiden started coughing blood. Phoenix started asking questions to keep him awake but instead of answering, Aiden looked at me and smiled a bit. "I-I can't undo the things that I've done, pero kung may utang pa ako pasensya na kung hindi na ako makakababawi. You don't need to forgive me. I won't ask you to. B-But...but I just want you to know...that I have once wanted for us to have a different end than this. Noong mga panahon na hindi ako nag hangad ng sobra...mga panahong hindi pa ako nagkakamali ng desisyon." he started coughing again, his face contorting with pain.

"Where's the medic?" asked Fiere.

"They're on their way. Hindi lang sila nakalabas agad dahil sa sitwasyon dito." sagot ni Triton.

Muling umubo nang sunod-sunod si Aiden na parang nalulunod siya sa sarili niyang dugo. Hinila ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak ni Fiere at lumuhod ako sa tabi ng sugatang lalaki. Tinulak ko ang kamay ni Phoenix at iniangat ko ang ulo ni Aiden ng bahagya at pinatong ko iyon sa mga hita ko. He opened his eyes and tried to smile but the pain appears to be too much.

"Gusto ko lang malaman mo na masama ang loob ko na ginagawa ko 'to. Bukod sa obvious na bagay na hindi ikaw ang paborito kong tao sa mundo, mahirap din maglinis ng patak ng dugo sa damit. Pasalamat ka naka-suit ako." tuloy-tuloy na sabi ko sa kaniya. "Nakakadaldal ka pa. Hindi ka pa mamamatay."

He chuckled but even that, I can see, cost him. "I-I'm sorry."

I bit my lip but I tried to shake off the feelings trying to creep into me. He's not a good person. Kahit pagbali-baligtarin ang mundo, hindi na no'n mababago ang mga desisyon niyang nakasakit sa akin at kay Ainsley. But he's the father of my child...and there was this time that I loved him and thought I could have a future with him.

"Hindi kita papatawarin. Sabi mo nga hindi mo hihingin sa akin 'yon pero dahil mabait ako ibibigay ko sa'yo yon...next year. Kaya tigilan mo 'yang kakaarte mo at hintayin mo ang medic."

"N-Nagtipid ka pa."

"Just because you got shot at doesn't mean that you suddenly became one of my favorite people." I said to him.

"I know."

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang kinakabisa niya ang mukha ko. Nag-angat siya ng isang kamay at idinampi ang hintuturo niya sa ilong ko. A gesture that I thought I already forgotten. Tears finally escaped my eyes as I reached for his...not to take it away but to hold on when I saw his eyes started to close.

"Aiden!" malakas na sabi ko sa kaniya at sinubukang yugyugin siya pero nanatiling nakapikit lang ang mga mata niya.

Maingat pero mabilis na inalis ko ang ulo niya sa akin. Hinawakan ko siya sa leeg, just on the side of his windpipe and try to find his pulse but I felt nothing. Kinubabawan ko siya at inilagay ko ang kamay ko na magkapatong sa dibdib niya. I started chest compressions, counting out loud as I do it.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon