CHAPTER 09: Public Display of Kalandian

Start from the beginning
                                    

Dahil sa nangyari ay hindi na ko nakapag-focus. Hindi ko alam pero paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang paghalik niya sa'kin kahit anong gawin ko. What is happening to me? Iniisip kong kontakin si Natalia pero para saan? I don't think that would help.

Hindi na nga ako nakabili ng pasalubong kay na Hardy at Dianne. Lagot talaga ko kay Dianne nito.

Sinundo ko si Hardy sa school niya at lumilipad pa rin ang isipan ko.


"HARDY, pasok ka na muna sa room mo ha? Magbihis ka na then gawin mo iyong mga assignments mo, pupuntahan ko lang si Mommy sa kwarto," utos ko sa kanya pagkarating namin sa bahay.

"Okay po, Daddy."

"After mong gawin assignments mo, pwede ka nang mag-play."

"Okay po, Daddy."

Pumasok na ko sa kwarto at nakita ko si Dianne na tulog na tulog. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad dahil sa mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari.

Pero bakit ko naman sasabihin? Hindi naman niya nakita, okay na 'yon. At saka, wala naman sa'kin 'yon, it was all an accident. Accident? Parang hindi naman accident iyon dahil sinadya niya.

Pero kung hindi ko naman sabihin, hindi ba't parang nagsisinungaling ako sa kanya? Kailangan kong sabihin. My mind deserves peace and my Dianne deserves my honesty.

Tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya. Awtomatiko namang isinubsob niya ang ulo niya sa dibdib ko. Ang bango-bango niya, lalo na ng buhok niya. "Honey?"

"Hmmm?"

I caressed her hair. "May kasalanan ako sa'yo."

At bigla na lamang siyang nagising at umupo sa harap ko. "Kasalanan?!" taas-kilay niyang tanong.

Umupo rin ako paharap sa kanya. Magpapaliwanag pa lang ako pero inunahan na niya ko.

"Ano? Nakabuntis ka ng ibang babae? Ilang buwan na?! Manloloko ka!"

"Hey, hey, calm down..."

"I don't do calm down! And don't tell me what to do! Ano? Ano? Ilang buwan mo ng kabit—"

"Honeeeeey. Will you listen to me first?"

"Go on. I'm listening."

"Kanina kasi sa mall, nakabungguan ko si Natalia—"

"Pusang gala talaga ang babaeng 'yon! Hanggang sa mall ba naman sinusundan ka?!"

"Baby, it's not like that."

"Eh, ano pala?"

"Aksidente lang, okay? Hindi sadya. And then..."

"And then?"

"Nagkabungguan nga kami, so I helped her with her things. Pero..."

"Pero?"

I gulped. Bahala na. "She kissed me."

"She what?!"

"She kissed me."

"What the hell?! Sa loob ng mall, hinalikan ka niya? Ikaw na may asawa't anak na? Ikaw na pamilyadong tao na? Ikaw na doctor niya, hinalikan niya?! Saan na ba napunta ang delicadeza ng babaeng 'yon?!"

"Hey, hey, Honey. Calm down please?"

"How can I even calm down, Harry?! Puta! Hinalikan ka niya! Ikaw ba matutuwa kapag may humalik sa'kin?!"

"Of course not! Makakapatay ako!"

"Talaga! Makakapatay ako! Mapapatay ko ang babaeng 'yon kapag nakita ko ulit siya! At ikaw?!" she glared at me, "tumugon ka ba?! Nagustuhan mo ba?!"

"What?! Syempre hindi! Natulak ko pa nga siya, eh."

"Ha! Very good!"

Ang tapang tapang ng mukha niya pero sa likod ng katapangan na pinapakaita niya alam kong nasaktan ko siya.

"I'm sorry, Honey," saad ko.

She sighed. "Wala ka namang kasalanan." Kumalma man ang boses niya, alam kong galit siya.

"Don't worry, ire-refer ko na siya sa ibang doctor."

"Would that taint the oath and hypocrisy?"

"Crap that oath! Our vow is more important."

There was silence between us. I made her speechless, maski ako ay nagulat sa sinabi ko.

Tinignan ako ni Dianne diretso sa mga mata ko. "I really want for you to get rid of that woman, pero hindi mo kailangang gawin 'yon. Alam kong may responsibilidad ka bilang asawa ko, pero may responsibilidad ka rin bilang doctor. I'm sorry for overreacting, and sana 'wag ka ring ma-guilty. You don't deserve that. Just promise me, na hinding-hindi ka papatol sa kanya once na landiin ka niya."

"I promise you that."

Nagyakapan kaming dalawa and stayed like that for a moment. Nilaro ko ang buhok niya habang kinekwento sa kanya ang naging duty ko sa hospital at ang pag-alis ni Nanay Rosa.

"So hiring ang ADMC ng NA ngayon?" ADMC is the name of the hospital kung saan ako nagpra-practice. Arturo Dominguez Medical Center to be exact.

"Yeah. Or baka kumuha na lang sa agency."

"Patalsikin mo agad iyong NA kapag sexy at maharot ha!"

I chuckled and hugged her even tighter. As if naman hawak ko ang desisyon na 'yon. 

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now