CHAPTER 09: Public Display of Kalandian

Start from the beginning
                                    

"Wala naman po kayong kasalanan..."

She looked at me with intensity, in fact teary eyes na nga siya. Alam kong sa akin siya pinakamalapit but I don't understand bakit ganito na lang ang reaksyon niya. "Marahil ngayon, wala pa kong kasalanan. Pero 'pag dumating na ang panahon na nagkasala ako sa'yo, tandaan mo, humihingi ako ng patawad. Patawarin mo ko, hijo. Sige, aalis na ko. Maraming salamat sa lahat." Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit niya at saka tuluyang umalis.

That was really weird.

Bakit siya nagso-sorry? At bakit niya iniisip na magkakasala siya sa'kin in the future? Napakabait ni Nanay Rosa, I don't think gagawa siya ng kasalanan.

Isinantabi ko na lang ang mga naiisip ko.

Dahil biglaan ang pag-alis ni Nanay Rosa ay kumuha muna ng nursing attendant mula sa ibang department bilang kapalit niya. 

Bago ako lumabas ng OPD para pumunta sa ER ay narinig kong nagsalita ang kasamahan kong residente na mas junior sa'kin. "Hala, naiwan ni Nanay Rosa."

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Picture po, doc."

Pinakita niya sa'kin ang picture. Bata pa siya sa picture and she's with a kid which is I think ay  anak niya. Familiar sa'kin iyong batang babae, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Maybe, nakwento na sa'kin ni nanay, nakalimutan ko na lang.

"Ihahabol ko na lang, doc," aniya.

Tumango ako at sinabayan siya paglabas, at tumungo na ko sa ER.


THE next day ay nag-endorse muna ko sa kapalitan kong residente dito sa ER bago ako naligo at nagpahinga sa Resident's quarters. Mabuti na lang hindi masyadong toxic kahapon, wala masyadong pasyente. Nag-rounds din ako sa Surgery ward at sa iba pang patients sa ibang department na referred sa Surgery. 

Kinahapunan ay dumaan muna ko sa mall para bilhan ng pasalubong sina Dianne at Hardy. But before I can make it to the supermarket, may nakabungguan ako. Naglaglagan tuloy ang mga gamit niya kaya tinulungan ko siya.

Pinulot namin lahat ng gamit niya at ibinagay ko ang iba sa kanya. "I'm really sorry, Miss—Natalia?"

It was Natalia, ang pasyente kong pinagseselosan ni Dianne. Namumugto ang mga mata niya at halatang galing sa iyak. Bukod dito ay namumutla rin siya. "Are you okay? You're pale. Gusto mo bang dalhin kita sa os—"

I didn't finish what was I saying dahil bigla niya kong hinalikan! She kissed me! Here! Inside the mall! Habang nakaupo kami sa floor, sa harap ng maraming tao!

Shit! Baka may makakita sa'king kakilala at isumbong ako kay Dianne! I immediately pulled away and pushed her kaya napaupo na siyang tuluyan sa sahig at muling naglaglagan ang mga gamit niya. "I'm—I'm sorry. Nagulat lang ako. Why did you do that?!"

Tumingin siya sa'kin at this time ay lumuluha na siya. "Ako ang dapat mag-sorry. I'm really sorry, Doc. Hindi ko dapat ginawa 'yon." Dali-dali niyang pinulot ang mga gamit niya.

"Let me help you."

"You don't have to!"

Nagulat pa ako nang sigawan niya ako.

Nang napulot na niya ang mga gamit niya ay tumayo na kaming dalawa. Nakatungo lang siya na para bang nahihiya at sunod-sunod na nagsabi ng sorry bago siya tumakbo palayo.

What is happening?

Bakit ang daming weird na tao ngayon?

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng pants ko at agad na pinunasan ang bibig ko making sure na walang marka ng lipstick. Lagot ako kay Dianne nito, eh. Tss!

Broken Promises [EDITING] Where stories live. Discover now