Part 16

716 14 0
                                    

"Excuse me miss"maya-maya ay narinig niya itong nagsalita,nang mga oras na yun ay nakatitig parin siya sa mga mata nito."yes?" tanging naisagot niya lang dito.

"pwede ba,bumitaw kana?Pwede?"tila galit na sabe nito sa kanya.Bigla ay tila binuhusan siya ng malamig na tubig at nahimamasan kaya naman bigla siyang bumitaw sa pagkakakapit sa lalaki.Saka niya lang rin napansin na sa kanilang dalawa na nakatutok ang mata ng mga tao,pati na ang mga talents at staff. Maging si Nadia ay gulat na gulat din sa nasaksihan.Dali-dali niya ring iniiwas ang tingin kay Anton,mayamaya pa ay bigla itong tumayo na tila ba kinikilatis siya. At hindi nga siya nagkamali nang bigla itong nagsalita. "You look familiar" sabi pa nito. 

"diba umextra ka bilang mascot sa movie ko before?"tanong nito sa kanya.

"y-yes po,"nakayukong sagot niya dito.

"so are you a talent here?"pagpapatuloy pa nito.

"h-hindi po,n-nanonood lang kami ng shooting "sagot niya naman dito.

sarkastiko itong ngumiti sabay nagsalita."I'm glad,because I still remember kung gaano ka kapalpak.So I meant what I said  before,I would never let you become part of my movie again."pagkasabi nito ay biglang tumalikod ang lalaki sabay nagsalita  gamit ang megaphone,"okay guys,take two."

Si Ella naman ay nakayuko parin,hindi napigilan na pumatak ang luha niya. Marahan siyang tinapik sa balikat ni Nadia "okay ka lang ba?"tanong pa nito sa kanya.

"oo,okay lang. Tara na ,diba nagugutom kana?"pilit ang ngiting sagot niya sa kaibigan.

"sure ka?" tanong naman nito sa kanya.

"oo,gusto ko na rin kasing umuwe,napapagod narin kasi ako,"aniya dito,kahit ang totoo ay gusto niyang umuwe dahil nasaktan siya sa tinuran ng lalaki.Sa mga oras kasi na yun ,narealize niya na ang tanga niya na inakala niyang magugustuhan siya nito,dahil sa totoo naman pala talaga ay kinasusuklaman siya nito.



LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon