Part 79

651 14 0
                                    

Maagang dumating si Ella sa set nung sumunod na araw. Naabutan niyang nandun na rin si Reuben. Tulad nang dati ay binati nanaman siya nito nang makita siya. "uy Ella kamusta na?" anito."mabuti naman,"sagot niya dito. Dahil hindi pa nag uumpisa ang shooting ay nagkuwentuhan muna silang dalawa. "balak mo pa bang mag audition sa susunod na gagawing movie ni Direk?" tanong nito "baka hindi na,magfofocus nalang muna ako sa paghahanap ng stable job after nito, "sagot niya naman sa binata. Maya-maya ay napansin niyang tila natahimik ito. "oh bakit?" nagtatakang tanong niya dito. "may iaalok sana ako sa'yo kaso lang baka tumanggi ka kaya 'wag nalang." nag-aalangang sabi nito sa kanya. "hindi okay lang,sige sabihin mo na ano yun?" tanong niya dito. "p-puwede ba kitang yayain na manood ng sine sa linggo?"tanong nito sa kanya. Bahagya muna siyang nag-isip saka sumagot sa tanong nito. "oo naman bakit hindi?" nakangiting sagot niya dito. Naisip niya kasing,mas mabuti narin na buksan niya ang puso niya sa ibang tao, baka sakaling makalimutan niya si Anton. Tuwang-tuwa naman si Reuben nang mapapayag siya nitong sumama dito. 

Maya-maya pa'y dumating na si Anton. Hindi malaman ni Ella ang gagawin nang makita ang binata. "good morning guys,"nakangiting bati nito sa mga crew. "how are you?"  maya-maya ay tanong nito sa kanya. "okay lang naman," pilit ang ngiting sagot niya dito. "uhm,sorry nga pala kung hindi na kita naihatid sa inyo ha?" anito sa kanya. "ano ka ba okay lang yun,sino ba naman ako para alalahanin mo,siyempre dapat talaga unahin mo si Therese."nakangiti paring sabi niya dito kahit ang totoo'y gusto nanaman niyang umiyak. "good,so let's start na?" nakangiting sabi pa nito.  Sumunod naman siya dito at pumuwesto na. 

Nung breaktime ay nilibang nalang ni Ella ang sarili niya sa pakikipag kuwentuhan kay Reuben. Masaya silang nagtatawanan at nagkukulitan sa set. Hindi nila alam na mataman pala silang pinagmamasdan ni Anton. Hindi naman ni Anton maintindihan ang nararamdaman nang mga oras na yun,para bang naiinis siya sa nakikita niya,pero binalewala niya lang ang nararamdaman niyang iyon . Nung mag-uuwian na,nakita niya si Ella na nagaabang ng sasakyan,yayayain niya sana itong sumabay sa kanya pero nakita niyang huminto ang sasakyan ni Reuben sa harap nito. "Ella,tara sumabay ka na sa'kin." narinig pa niyang sabi nito sa babae. "naku nakakahiya naman sa'yo." sagot naman nito. "ano ka ba sumakay kana delikado na palalim na ang gabi,saka mahirap makahanap ng masasakyan dito." sabi pa ni Reuben. Sa inis ni Anton ay pinaharurot niya nalang palayo ang sasakyan niya. 

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now