Part 4

1K 21 0
                                    


Nang sumunod na araw ay sinamahan siya ng kaibigang si Nadia sa shooting."Friend,alam mo wag ka nalang kayang tumuloy?" anito sa kanya.

"ha?at bakit naman?"takang tanong niya dito.

"friend,alam ko naman na gusto mong maging artista,pero hindi ko naman alam na ganyan ka na pala ka desperada."

"teka nga muna,ano bang pinagsasabe mo?"takang tanong niya dito.

"yung role na ibibigay nila sa'yo,tagaaliw."nakangiwi ang bibig na sagot pa nito sa kanya.

"ay grabe siya,yan ba talaga ang tingin mo saakin?ikaw naman pala 'tong judger.malay mo naman hindi ganun yun,malay mo magician ako dito or singer diba?" bagama't maging siya ay nagdududa na rin sa papel na gagampanan niya.

maya-maya ay sinalubong na sila ng isa sa mga crew,"sino sa inyo si Michaella Escobar?"tanong nito 

"ako po,"bahagya siyang lumapit dito.

"oh nakaready na ang costume mo,halika na sa dressing room."sabe nito,sabay akay sa kanya patungo sa dressing room.

Si Nadia naman ay naiwan sa labas,kinakabahan sa papel na maaring ibigay sa matalik na kaibigan.Mayamaya pa,may lumabas na mascot mula sa isang dressing room,lumapit ito sa kanya...muntik na siyang mapatakbo sa gulat, nang bigla itong magsalita.

"friend,ako to,"

"E-ella?"gulat na tanong niya dito.

"oo friend."maya-maya ay inakay siya nito.

"naalala mo ba yung sinabe mo saakin kung bakit hindi na ako pinag-act?"pabulong na tanong nito sa kanya

"n-nadala sila sa mukha?"pilit na ngiting sagot niya dito.

"well,hindi nila makikita yung mukha ko,kasi,nakaganito lang ako buong shooting."

"aaaahhhh,kaya pala tagaaliw,"napapangiwing muling tugon ni Nadia.

"ohhh..standby na ang lahat dumating na si direk!" 

maya-maya ay namangha si Ella ng makita ang isang lalaking papasok,napakaguwapo nito,napakatikas ng katawan.Hindi mo aakalaing ito ang direktor,dahil mas guwapo pa ito sa leading man.matangkad ito,maputi,maamo ang mukha,mamulamula ang mga labi na tila ba sing lambot ng marshmallow.Inasam niya tuloy itong halikan.

nang mga oras na yun,parang nag slow motion ang lahat,para siyang nasa isang ulap.

Dahil nung mga oras na yun,tila may anghel na ibinaba mula sa langit.

"mascot,ano tutunganga ka nalang ba diyan?"bigla siyang nahimasmasan,napansin niyang lahat pala ay nakaready na,ang tumawag sa kanya ay isa sa mga staff ng ginagawang pelikula,nang mapalingon siyang muli sa kinaroroonan ng direktor,nakita niyang parang lalamunin siya ng buhay dahil sa masamang titig nito.Maya-maya pa ay bigla itong nagsalita.

"siguro naman puwede na tayong mag start?"anito na hindi parin inaalis ang pagkakatitig sa kanya.Bigla tuloy siyang nagpasalamat at nakasuot siya ng costume na pang mascot, kung hindi ay malamang kitang-kita nito ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyan.

Maya-maya pa ay nag-start na ang shooting. 


"Olivia mahal ko,patawarin mo sana ako,hindi ko ginustong iwan ka.Natakot lamang ako,na baka hindi ako ang nararapat para sa'yo."

"Roman,alam mo naman kung gaano kita kamahal,alam mo naman na kaya kitang ipaglaban kahit pa kanino."

sa puntong iyon,nagreready na si Ella para pumasok sa eksena.


"alam ko na ngayon Olivia,kaya nga may inihanda akong sorpresa para sayo."

Maya -maya pa ay lumabas na si Ella,suot ang mascot costume niya. Mayroong pinahawak sa kanyang buoquet,at binigyan na siya ng instruction para pumasok sa set.

Habang naglalakad siya,ay hindi sinasadyang mapako ang tingin niya sa napakaguwapong direktor.Dahilan para mawala siya sarili,at tila kusang lumiko ang paa niya tungo sa kinaroroonan nito. Nangunot ang noo ng mga staff sa pagtataka sa kanyang ginawa.

"cuuut" Tila natauhan sya sa lakas ng boses na nagmula sa megaphone,nang mahimasmasan siya ay saka niya lamang nalaman ang ginawa. 

"sino ba 'to,bakit parang wala sa sarili?"tanong ni Anton na halatang inis na inis sa kanya.

"saan niyo ba napulot 'tong mascot na 'to?" pagpapatuloy nito. Kung merong isang bagay na pinaka ayaw ni Anton,yun ay ang hindi pagsunod ng tama sa kanyang instruction. Ayaw na ayaw niya na uulitin ang isang bagay na naituro na.

Si Nadia man na kaibigan ni Ella ay nagtataka rin sa tinuran ng kaibigan.

"sorry po direk, iinstructionan nalang namin siya ulet."

"I don't want this to happen again,let's take a break first ,and then let's start from the beginning!"










LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now