Part 88

875 16 0
                                    

"yes po speaking "sagot niya naman dito. "uhm,ako nga po pala si Mia  assistant direktor.gusto po sana namin kayong kunin sa pelikulang ginagawa namin,"sabi ng babae sa kabilang linya. "ha! anong role po?" tanong niya dito. "leading lady." nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "l-leading lady?" hindi makapaniwalang tanong niya dito. "opo,itetext ko po sa inyo yung location,bukas po yun ng umaga."  anito "t-teka lang saan niyo nakuha yung number ko?" takang tanong niya dito "nirefer po kayo ni Mr. Tommy Sandoval." sagot nito. "si Tommy?" nagtatakang tanong niya dito. "opo,sige I have to go na po, text ko nalang sa inyo yung detail." Pagkatapos sabihin iyon ng kausap niya ay  binabaan na siya nito ng telepono "leading lady?" napapaisip niyang sabi. "sino daw yun anak?" tanong naman ng kanyang ama. "m-may tumawag po,kinukuha daw akong leading lady."kunot noong sabi niya sa mga magulang. Maya-maya pa ay nakareceive nga ng text message si Ella about sa location ng shooting. Nagtataka siya dahil pamilyar sa kanya ang lugar, ito ang lugar kung saan siya gumanap na mascot. 

Kinabukasan ay maagang gumising si Ella. Nagtataka siya dahil wala ang mga magulang niya. Hinanap niya ang ina ngunit  hindi niya makita . Maging ang kapatid na si Lily ay wala rin doon. "nasaan na yung mga yun,sobrang aga pa eh,saka sabado naman ngayon walang pasok si Lily. "sa isip-isip niya. Halos galugarin niya na ang buong bahay nila pero ni anino ng mga magulang at kapatid niya ay hindi niya na makita"naku bahala nga sila,aalis na ako baka mahuli pa ako sa set. "aniya. 


Nang makarating siya sa set ay sinalubong siya ng isang babae, "hi Ella,I'm Mia nga pala,ako ang tumawag sa'yo."anito. "ano start na tayo?" sabi pa nito sa kanya. "agad-agad? hindi ko pa po alam kung ano ang script ko. "nagtatakang tanong niya dito. "okay lang po,ikaw kasi ang gagawa nang sarili mong script. "nakangiting sabi nito sa kanya "ha? ano daw?" gulat na tanong niya dito. Nagulat din siya ng mamataan ang isa sa mga camera crew,walang iba kundi si Reuben.Nakangiti lang ito sa kanya nang makita siya. Ininstructionan siya na umupo  sa bench. Pamilyar sa kanya ang set-up na yun.  Maya-maya pa ay isang mascot ang lumabas, gulat na gulat siya dahil ito ang costume na sinuot niya noon. Tumayo ito sa harapan niya. Maya-maya pa ay isang lalaki ang lumabas mula sa likod ng mascot habang sumasayaw ito  inabutan siya ng lalaki ng teddy bear. Gulat na gulat siya sa mga nangyayari. Tapos ay sumulpot naman ang ikalawang lalaki at inabutan siya ng buoquet ng rose kinakabahan na siya pmilyar na pamilyar kasi talaga sa kanya ang eksena .Naisip niyang may lilitaw pang ikatlong lalaki, ilang minuto siyang naghintay pero walang lumabas na ikatlong lalaki,sa halip ay huminto sa pagsasayaw ang mascot, at dahan -dahan itong  nagtanggal ng costume 

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon