Part 51

619 9 0
                                    

"where's Ella? fifteen minutes na siyang late anong oras pa tayo mag-uumpisa?"nangagaliiting sabe ni Anton sa mga staff niya. "d-direk wala pa po eh,hindi ko rin makontak,tinatry kong tawagan kanina pa." halatang medyo ninenerbiyos pa si Aya nang sabihin niya ito kay Anton. Pa'no ba naman kasing hindi,eh kahit pag dating palang nito ay halatang mainit na ang ulo,kahit nung hindi pa nito alam na hindi pa dumadating si Ella. "my god!" naipunas niya ang dalawang palad sa mukha sa sobrang inis. " so ano nalang ganito nalang tayo? Reuben kayo yung close diba?have you tried to call her ba?" tanong niya halatang nauubusan na siya ng pasensiya. "sinubukan ko po siyang kontakin direk pero hindi po sumasagot eh,"anito sa kanya. Bumuntong hininga muna si Anton sabay nagsalita. "okay, let's wait for ten more minutes pag hindi pa siya dumating Aya look for someone else that could replace her."inis na sabi niya. 

"besh matagal pa ba?" tanong niya sa kaibigan,kasalukuyan silang nasa kalagitnaan ng traffic. "oo besh,matatagalan pa yata tayo grabe kasi ang traffic ehh,"sagot naman sa kanya ni Nadia. Sa totoo lang nung mga oras na yun ay gustung-gusto niya nang bumaba para takbuhin nalang kaso lang ay sobrang layo. "naku patay ako nito kay direk," sabi pa niya. "hindi mo ba tinawagan yung assistant niya o di kaya si Reuben para masabihan mo?"tanong naman nito sa kanya. "yun nga yung problema ko eh,na lowbat kasi yung phone ko. Nawala sa isip ko dahil nga sa kakamadali ko na dalhin si tatay sa ospital. " paliwanag niya dito "itong phone ko puwede mong gamitin para tawagan sila." alok nito sa kanya. "yun pa yung isang problema ko  hindi ko memorize yung number nila." sagot niya dito. "ganun ba? messenger mo nalang kaya?" muling sabe nito sa kanya. "oo nga pala messenger,akin na nga pahiram ng phone mo." aniya sabay nagmamadaling kinuha ang cellphone ni Nadia.Sinubukan niyang i pm is Reuben sa messenger pero hindi ito nag seseen. "ano na message mo na?" tanong sa kanya ni Nadia. "oo pero hindi pa nag seseen eh,"sagot niya dito. Hindi na siya mapakali nung mga oras na iyon,paniguradong mananagot siya kay Anton dahil siya pa naman ang unang-unang kukunan ng eksena nung araw na yun. Nung makarating sila sa location ng set,dali-dali siyang tumakbo,umaasa na kahit papaano'y makahabol pa siya baka kasi maghanap na si Anton ng kapalit niya. Ngunit bigo siya,pagdating niya doon ay tapos na ang eksena niya. Nakahanap na ng kapalit niya. Masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Anton nang makita siya nito. 

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now