Part 70

665 6 0
                                    

Ang higpit ng pagkakayakap sa kanya ng lalaki. Biglang naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso niya. "D-Direk? a-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong niya dito. "'wag ka munang kumilos,para hindi ka masyadong nasisiksik"sabi lang nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ng binata. At hindi niya pinalampas ang pagkakataon na iyon mahigpit niyang ipinulupot ang mga braso sa beywang nito at idinikit ang tainga sa dibdib nito. Hindi niya maipaliwanag pero ang bilis ng tibok ng puso nito "aaahhh,grabe sana ganito nalang lagi kasiksikan sa Divisoria" sa isip-isip niya. Ilang minuto rin silang nasa ganoong posisyon.Hanggang sa dahan dahan bumitaw ang binata sa kanya at inakbayan naman siya,habang nakayakap naman siya sa beywang nito. Nasa ganoon silang posisyon hanggang sa makalampas sila sa mga taong nagsisiksikan. Tila nagka-ilangan naman silang dalawa. "a-are you okay?" tanong nito sa kanya. "y-yes,"naiilang naman na sagot niya dito . "Let me help you with that. " sabi pa nito nang makita  ang mga bitbit niya. "h-hindi okay lang kaunti lang naman to eh?" sabi naman niya saka dire-diretsong naglakad palayo sa binata. "Direk thank you nga pala sa pagsama mo sa'kin ngayon" nakangiting sabi ni Ella sa kanya. Kasalukuyan na nilang binabaybay ang daan pauwe kina Ella. "Thank you for bringing me there"sagot naman nito sabay gumanti ng ngiti sa kanya. Hindi naman inaasahan ni Ella yung sagot na 'yon ni Anton sa kanya. Pero nung mga oras na yun, narealize niyang  parang ibang Anton ang kasama. Malayo sa Anton na para bang walang pakialam sa mundo. At dahil dun,lalo lang nahulog ang loob niya sa binata. Nang makarating sila ay hindi na ito tumanggi nang yayain niya itong magkape muna sa kanila. Masaya naman silang binati ng mga magulang ni Ella nang makapasok na sila sa loob. "oh ito magkape ka muna" anang kanyang ama na iniabot pa kay Anton ang isang tasa ng kape at siyempre pa ang specialty ng kanilang pamilya ang bananacue. Sinabayan din ni Ella na magkape si Anton. "ano sa tingin mo,diba bagay sila ng anak mo?" tanong ni Lita sa asawang si Ernesto habang pasimpleng pinapanood si Ella at si Anton sa sala. "naku,masuwerte,pag yan naging manugang natin sisikat ang anak mo" natutuwa namang sagot ni Ernesto sa Asawa. "imposibleng magustuhan niyan si Ate,ang pangit-pangit nun eh,"sagot naman ni Lily na nakikiusyoso rin. "hush,ikaw talaga makapang lait ka sa ate mo,gawin mo na nga lang yung assignment mo dun,"saway sa kanya ng nanay na si Lita. 

"nay,tay"nagulat sila ng tawagin sila ni Ella,nagpanggap silang abala sa kanilang ginagawa. "b-bakit anak" tanong ni Ernesto dito. "hahatid ko lang po si Direk sa labas uuwe na po kasi siya. "sabi pa nito. "s-sige," aniya. "salamat po ulit  ma'am,sir" paalam naman ni Anton sa kanila. "s-sge hijo mag-iingat ka"sagot naman ni Lita dito. 

"pa'no see you tomorrow sa set ha?" paalam ni Anton kay Ella bago siya sumakay sa kotse niya. "sige po Direk,thank you ulit sa pag sama sa'kin."nakangiti niyang sabi dito. Ginantihan naman siya nito ng ngiti saka tuluyan nang umalis.  Habang nagdadrive,napansin ni Anton ang supot na nasa tabi niya. Nang sipatin niya ito ay nakita niya ang T-shirt na binili ni Ella para sa kanya. Napangiti siya habang tinititigan ito. Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone niya at ng sagutin niya ito ay si Therese ang nakausap niya. "napatawag ka?" biglang nagbago ang timpla ng mukha niya. "can we meet?" tanong nito sa kanya. "no," sagot niya dito. "saglit lang nandito ako sa isang restaurant,may importante lang akong sasabihin." Napahugot siya ng malalim na buntong hininga sabay nagsalita. "okay wait for me there." sagot niya dito.


LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon