Part 63

632 9 0
                                    

"we'll because  we'd been together for eight years." sagot naman ni Therese dito. "you're right we'd been together for eight years,but you'd been gone for three years, that's why you don't even know that people change." sarkastiko namang sagot dito ni Anton .Wala namang naisagot si Therese dito. Pansin ni Ella na seryoso ang mukha ni Anton,halatang-halata ang hinanakit nito sa babae. Sa paraan din nang pag-uusap nila ay hindi niya maitanggi na may nararamdaman pa ang dalawa para sa isa't-isa at lihim siyang nasasaktan dahil do'n . "uhm,puwede na ba tayong umorder,medyo nagugutom na kasi ako eh," aniya na hinimas himas pa yung tiyan. Sinabe niya iyon para matigil na ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. Maya-maya ay tinawag ni Therese ang waiter para mag place ng kanilang order. 

Nasa biyahe na sila pauwe ni Anton,sa pagkakataong iyon ay sa tabi na ng driver's seat siya nito pinaupo at hindi sa back seat. Siyempre part pa din kasi yun ng pagpapanggap nila.halatang medyo iretable ang binata dahil sa tindi ng traffic. "shit! ambagal naman ng usad ng sasakyan" reklamo nito. "wala tayong magagawa,eh traffic eh,"sabe niya dito. "bakit nga pala  gusto mong pagselosin si Therese?" tanong niya dito. "because I want her to regret the day that she left me." sagot nito sa kanya. "ano?eh diba nga dapat maging masaya ka dahil bumalik siya?Saka hindi ka naman niya pinagpalit sa iba diba,umalis siya para tuparin yung pangarap niya" nagtatakang sabe niya dito. "puwede ba gawin mo na lang ang trabaho mo,hindi yung andami mong inuusisa." inis na sabe nito sa kanya. "okay,"aniya na sinabayan pa ng irap dito. 

Tahimik lang sa loob ng sasakyan ni Anton,hindi rin ito umiimik at diretso lang sa pagmamaneho. Pero pasimple siyang pinagmamasdan ni Ella. " ang suwerte ni Therese,siya kasi ang may-ari ng puso mo. sana ako nalang siya,kung ako siya hinding hindi ako aalis sa tabi mo,kahit ano pa ang maging kapalit nun hinding hindi kita iiwan" yun yung mga bagay na naglalaro sa utak niya nung mga oras na iyon. Ang isiping sana ay siya nalang si Therese.  "may dumi ba ako sa mukha?" nagulat siya nang bigla siyang tanungin ni Anton. Napapansin pala nito na nakatitig siya dito. "w-wala" sagot niya dito na biglang iniiwas ang paningin niya. "kulang nalang kasi matunaw ako kakatitig mo eh,"sagot nito sa kanya na hindi parin inaalis ang tingin sa daan. Bigla siyang namula sa sinabe nito "t-tinitignan ko lang kasi kung ano bang nagustuhan ni Therese sa'yo eh hindi ka naman kaguwapuhan" sagot niya dito. Napangiti naman si Anton sa sinabe niyang yun.

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now