Part 73

635 12 0
                                    

Isang mahinang katok ang gumising kay Anton. Nung mga oras na yun ay  mahimbing paring natutulog si Ella.  Pupungas-pungas pa siya nang buksan ang pinto. "good morning" nagulat siya nang ang mabungaran ay si Therese. "what do you need?"  tanong niya dito. "breakfast is ready,kumpleto na ang lahat,kayo nalang ni Ella ang hinihintay"sabi nito. "okay sige susunod kami."sagot niya dito. Ngumiti lang si Therese saka dahan-dahang lumakad palayo. Tahimik niya lang na pinagmasdan ang dalaga hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Maya-maya pa'y nilapitan niya na ang no'oy mahimbing paring natutulog na si Ella. "Ella,wake up"gising niya dito. Ngunit umiling lang ang dalaga at nag patuloy parin sa pagtulog. "Ella I said wake up!" muling gising niya dito.  Nang hindi parin ito gumising ay lumapit na siya dito at bahagyang inuyog ang balikat nito. Pero sa halip na gumising ay nagulat siya sa naging kilos nito. Bigla nitong ipinulupot ang braso sa beywang niya dahilan para mawalan siya ng balanse at mapadagan sa dalaga. 

Nanananaginip si Ella, nasa isang park daw siya nakahiga, sa ibabaw niya ay nakadapa si Anton marahan nitong hinahaplos ang kanyang buhok. Pero bakit ganun,ansama nang tingin ni Anton sa kanya.Parang gusto siyang lamunin ng buhay. Nang dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata, nakita niya si Anton,isang pulgada nalang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Seryoso ang mukha ng lalaki na nakatingin sa kanya. Para bang lalamunin siya ng buhay. Dahil sa gulat ay ubod lakas niya itong naitulak "i-ikaw,anong ginagawa mo sa'kin?" tanong niya dito. "excuse me! anong ginagawa mo sa'kin," inis na balik tanong nito sa kanya. "a-anong ibig mong sabihin." nagtatakang tanong niya dito. Pinagtalikop ng binata ang dalawang braso sabay mataman siyang pinagmasdan. "anlakas ng loob mong sabihin na conservative ka,tapos ikaw din pala ang gagawa ng first move." nang-aasar pang sabi nito sa kanya. "n-nananaginip kasi ako eh,"halatang napahiyang sabi niya dito. "bakit kaba kasi nasa taas ko?" tanong niya dito.  "well,ginigising kita,dahil magbebreakfast na, parang mantika ka pala kung matulog,no wonder nalilate ka." sabi pa nito sa kanya.  "bakit mo ba kasi ako ginigising inaantok pa nga ako eh" kunwaring inis na sabi niya sa binata para pag takpan ang kahihiyang nararamdaman niya. "bumangon kana,nakaready na yung breakfast." utos nito sa kanya. "oo na,maghihilamos lang ako,"padabog siyang tumayo saka nagtungo sa rest room . Hinawakan ni Anton ang kamay niya ng malapit na sila sa table kung nasaan ang mga kasama nila.Siyempre pa, para ipakita ito kay Therese. "hi guys," bati ni Anton sa mga kasama pagdating nila. "here's our lovely couple."napapalakpak namang bati ni Tommy sa kanila. Suportado rin ni Tommy ang pagpapapanggap na iyon ni Anton,saksi kasi siya sa sakit na dinanas ng kaibigan. 

LOVE KO SI DIREK ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt