Part 41

670 11 0
                                    

Kahit halos mag-uumaga na hindi parin madapuan si Ella ng antok. Hindi parin kasi maalis sa isip niya ang nangyari. Tila kasi sinadya ng pagkakataon ang lahat ng nangyari. "haay,siya na kaya yung para sa'kin? Lord sana nga ibigay niyo nalang siya sa'kin pleaase. "aniya na pinagtalikop pa ang dalawang palad.


Halos pareho din ang nangyayari kay Anton. Pagdating niya sa kanila ay dumiretso muna siya sa shower pagkatapos ay kumuha ng beer sa ref at dinala ito sa kanyang kuwarto. Doon ay malalim siyang nag isip. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabe sa kanya ni Ella "pero sa totoo lang direk, mahirap sagutin ang tanong mo, una kasi nangangarap ako para sa mga taong mahal ko,kung yun ang magiging basehan ko, tatanggapin ko. Pero kung pagiging makasarili ang dahilan ko,siyempre tatanggihan ko.Aanhin ko pa yun kung mawawala naman ang pinakamahalagang tao sa buhay ko."  maya-maya pa ay binuksan niya ang kanyang wallet at tinitigan ang litrato ni Therese. Kahit matagal na silang hiwalay nito'y hindi niya parin magawang idispatsa ang bagay na yun. Kinausap niya ang litrato na akala mo ba'y naririnig siya nito. "what's really your reason for leaving me? Am I not enough for you? Everyone kept telling me to forget you because it's been three years since you've been gone, but I can't, because whatever the pain I felt, I know you're the only one who can heal it." hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. Ayaw niyang ipakita sa iba ang sakit na nararamdaman niya. Sakit na tila ba wala nang lunas. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang makatulog siya. Maya-maya pa tumunog ng malakas ang alarm niya.  Gustuhin niya mang bumangon ay hindi niya magawa. Parang hinihigop parin siya ng kama. Nang biglang maalala niyang may shooting pa pala siyang dapat asikasuhin. Nagmamadali siyang bumangon. "hey dad,hey mom,"bati niya sa mga magulng na nadatnan niyang kumakain  sa dining room. "good morning son, kumain kana muna."aya ng ama sa kanya. "Wala ka bang shooting ngayon?" tanong ng kanyang ina nang makaupo siya "Meron ma,but I'll be a little late today." sagot niya dito. "ba't parang nanlalalim yang mga mata mo?" puna pa nito sa kanya. "Well,late na kasi akong nakauwe,nasiraan kasi ako ng sasakyan kagabe." paliwanag niya dito. "naku mabuti't walang nangyaring masama sa'yo." muli namang sabe nito sa kanya. "yes,sinundo naman ako ni Tommy kagabe." aniya. "wait,what about your car?" tanong naman ng daddy niya. "ahh,itinawag ko na,pinahila ko. Idederetso daw sa pagawaan." aniya "oh,I'm sorry I have to go na." aniya sabay nagpaalam sa mga magulang.

LOVE KO SI DIREK ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt