Part 49

624 10 0
                                    

"nakita mo ba yung babae kanina sa jewelry shop?"tanong ni Ella kay Nadia,kasalukuyan na silang nasa sasakyan nito pauwe. "hindi,busy ako sa pakikipag deal sa saleslady kanina eh,bakit anong meron sa babae?"tanong nito,diretso lang ang tingin nito dahil ito ang nagmamaneho ng sasakyan. "wala lang,ang ganda-ganda niya kasi,ang amo ng mukha."aniya dito."alam mo ikaw lagi kang ganyan,tuwing nakakakita ka ng maganda o guwapo manhang-mangha ka,ewan ko sa'yo para kang ignorante."sabe naman nito sa kanya. "hindi,kasi parang may something sa kanya,alam mo yun parang mabigat sa feeling ko."sagot niya naman "oh,ngayon naman insecure ka,ano ba talaga Ella?" muling sabe naman sa kanya ni Nadia."hindi ako insecure,parang ano lang kasi,ah basta hindi ko maintindihan." tila naguguluhan niyang sabe dito. Hanggang pagdating sa bahay nila ay hindi parin mapakali si Ella,hindi kasi maalis sa isip niya ang magandang babae,nasa kuwarto na siya nung oras na yun,nasa ganun siyang sitwasyon nang biglang magring ang phone niya. "hello beshie napatawag ka "  "hello Ella,ako to si Reuben." nagulat si Ella ng marinig ito, tinignan niya ang cellphone niya,saka niya lang napansin na hindi pala pangalan ni Nadia ang nakarehistro na tumawag  sa cellphone niya. "R-reuben ikaw pala,ba't ka napatawag?" tanong niya dito. "gusto ko lang sanang mangamusta,pansin ko kasi iniiwasan mo ako,"anito sa malungkot na boses. "sapul" sa isip-isip niya. "hindi naman sa iniiwasan kita,sa totoo medyo nailang lang kasi ako sa'yo nung sinabe mo na balak mong manligaw sa'kin,"sagot niya dito. "dahil ba kay direk?"tanong naman nito sa kanya. "sapul ulet,"sa isip-isip niya. "h-hindi,hindi lang talaga ako sanay mag entertain ng manliligaw." sagot niya dito. "alam mo, hindi naman kita pipilitin eh,alam ko naman na nabigla ka,okay ititigil ko na ang panliligaw ko sa'yo pero puwede bang ipagpatuloy parin natin ang friendship natin?" tanong nito sa kanya. "siyempre naman,willing parin naman akong makipag friend sa'yo eh,"nakangiting sagot niya. "ganun ba?sige salamat." sagot naman nito sa kanya na halatang tila nakahinga ng maluwag. Nang matapos silang mag-usap,biglang napaisip si Ella,nahihiya siya,at the same time nalulungkot para kay Reuben,hindi niya alam kung bakit wala siyang maramdaman na kahit ano para dito,guwapo naman ito,maginoo,at higit sa lahat napapansin siya . Kumpara naman kay Anton na guwapo lang period,papansinin lang siya pag may nagawa siyang mali,o di kaya pag nagpapansin siya, "hay,kung natuturuan nga lang naman talaga ang puso,gaya ng sinasabe ng iba,siguro matagal na akong nainlove kay Reuben." aniya sa sarili.

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now