Part 52

644 11 0
                                    

"what are you doing here?" anito sa kanya,sa ekspresyon ng mukha nito ay mahahalatang galit ito at hindi ito natutuwa na nagpakita siya. "d-direk magpapaliwanag po ako," aniya dito "I don't need you're explanation, I don't even need you!" angil nito sa kanya. "ka-kasi po direk yung ta-" 

"did you even realize what you could have done?" mataas na ang boses ni Anton. "you almost ruined my show,hindi ka na talaga natuto, you know what,you actually proved that I was right na hindi kita dapat tinanggap ulet. I don't  even wanna see your face here so can you please leave?" anito sa kanya na tinuro pa ang daan palabas.Pinagtitinginan na sila ng mga taong nandun. Magpapaliwanag pa sana siya nang biglang sumigaw ito "I said leave!"wala na siyang nagawa nang mga oras  na yun,tumakbo siya pabalik sa  kotse ni Nadia,buti nalang at hindi pa ito umaalis pagbalik niya,nakita siya nitong umiiyak. "bakit anong nangyari?" takang tanong nito sa kanya nang makita siyang umiiyak. "wala,halika na umuwe na tayo." sagot niya lang dito. "hindi,anong nangyari?bakit ka umiiyak?" hindi siya umimik. "nagpaliwanag ka ba sa kanya kung bakit?" seryosong tanong ni Nadia sa kanya. Doon na siya humagulgol ng iyak,tila napagtanto naman ni Nadia nang mga oras na yun na hindi nagkaro'n ng  pgkakataon si Ella na iexplain yung side niya. Walang anu-ano'y bigla itong bumaba ng sasakyan. "t-teka lang saan ka pupunta?"kinakabahang tanong niya dito. "stay there!" sagot nito sa kanya. Sa itsura ni Nadia ay tila ba handa itong sumugod sa giyera anumang oras.Gusto niya sanang sundan ito kaso lang ay hindi niya magawa,baka lalo lang syang humagulgol sa harap ni Anton at isiping paawa siya. "excuse me direk Anton De Vera, but can we talk?" galit na tawag ni Nadia kay Anton nakapameywang pa ito nang harapin ang binata. "no we can't" sagot naman nito na hindi manlang siya nilingon. Nung mga oras na yun ay pinag-titinginan nanaman sila ng mga tao. "huh,well makikinig ka saakin sa ayaw mo at sa gusto mo!" tila nanghahamon pang sabe ni Nadia sa kanya. "I don't care kung ikaw pa ang direktor dito,pero sa klase ng ugaling pinakita mo alam mo dapat ikaw yung binibigyan ng role ehh,yung pang paring role,para yung script mo kagalang-galang." pagpapatuloy pa nito. Parang bale wala lang kay Anton yung mga sinasabe niya kaya  sinabe niya na dito ang dahilan kung bakit nalate ng dating si Ella. "naospital yung tatay ni Ella,na ER kaya hindi siya nakapagreport agad ,dahil inuna niya yung kapakanan ng tatay niya. Ikaw kaya direk,kung sa tatay mo kaya yun nangyari uunahin mo pa yung pelikula mo?" tanong niya dito na siya rin ang sumagot. "siguro nga,kasi makasarili ka." pagkasabe niya nun ay tinalikuran na niya ito at dire-diretsong bumalik sa sasakyan niya. Naabutan niyang nag-aabang si Ella sa labas ng kotse niya nang makabalik siya. "beshie anong ginawa mo?" tanong nito sa kanya. "tara na umalis na tayo dito." seryoso ang mukhang sagot niya kay Ella saka pinaandar ang sasakyan.

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now