Part 61

651 10 0
                                    

"ano na ang balak mo ngayon?" tanong ni Ella kay Anton. "sa ngayon gusto ko na munang umuwe,puwede kang bumalik sa party kung gusto mo." sagot naman nito sa kanya."wow,pababalikin mo ako sa party pagkatapos mong ipangalandakan dun na girlfriend mo ako,gusto mo bang pag piyestahan ako dun?"nakataas ang kilay na sabi niya dito. "so what will you do?" litung-lito rin na tanong nito sa kanya. "huh,ibang klase rin to eh" pabulong niyang sabe. "what?" tanong naman nito sa kanya. "wala! ihatid mo ako sa amin,tutal ikaw naman yung nagkaladkad sa'kin dito eh,"sagot niya sabay dire-diretsong pumasok sa kotse nito. Hindi na rin tumanggi si Anton at inihatid nga siya sa bahay nila. Pagdating sa kanila ay niyaya niya itong magkape muna ngunit tumanggi ito. "hindi na, tutuloy na ako,medyo malalim na rin kasi ang gabe ehh,"tanggi nito sa kanya.Maya-maya pa ay pinaandar na nito ang sasakyan. "kita mo yun,pagkatapos akong gamitin sa party ni hindi man lang tinanggap ang offer ko na magkape" sa isip-isip niya. Wala na siyang nagawa kundi pumasok  dirediretso sa kuwarto niya. 

Naalimpungatan si Ella nang magring yung cellphone niya. Pagtingin niya sa oras ay alas sais pa lang ng umaga. Nagtataka siya dahil numero lang ang tumatawag sa kanya. "hello?"  pupungas-pungas pa siya. "hello I need you today," sabe ng nasa kabilang linya. Bigla siyang kinabahan dahil pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya. Pero para makasiguradong tama siya ay tinanong niya pa rin ito. "sino to?" tanong niya "ako to si Anton" sagot naman ng nasa kabilang linya. Bigla tuloy nawala agad ang antok niya "b-bakit saan ako pupunta?" tanong niya dito. "Basta" sagot naman nito"w-wait lang " sabi niya dito sabay dali-daling bumangon. "dalian mo naiinip na ako kakahintay sa'yo." sabi pa nito "huh?nasan kaba?" nagtatakang tanong niya dito. "malapit lang." sagot naman nito sa kanya. Lumabas naman siya sa kuwarto niya.Gulu-gulo pa ang buhok at halos hindi maipinta ang mukha niya.Pagdating niya sa may sala nila,gulat na gulat siya nang makita doon si Anton. Sinipat niya pa itong mabuti,sinigurado na hindi siya namamalikmata,kinusot niya pa ang mata niya para lang makasigurado. Hindi nga siya nagkakamali nandun ang lalaki,nakaupo sa sofa nila. Maya-maya pa ay lumabas ang nanay niya galing kusina,may dala itong kape. "oh,magkape ka muna direk" alok nito kay Anton.Nang bigla ay mapansin siya ng kanyang ina. "gising kana pala Ella,mag-almusal kana at may bisita."anito sa kanya. Dali-dali siyang tumakbo sa C.R at tinignan ang sarili sa salamin. "nakakainis naman oh,hindi pa nga ako nakakapag-ayos eh,"reklamo niya sarili nang makita ang itsura niya sa salamin 

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now