Part 19

709 13 0
                                    

"ayan beshie ,bagay na bagay sa'yo."tuwang tuwa si Nadia ng isukat ni Ella ang damit na pinili niya para dito. "hindi ba masyadong mahal to?" nag aalangan si Ella habang suot ang damit."ano kaba,diba sinabe ko naman sa'yo na ako na ang bahala?'wag mo nang isipin ang presyo."muli ay paalala sa kanya ng kaibigan."eh nakakahiya kasi talaga sa'yo ehh."muli ay nag-aalangan niyang sagot sa kaibigan. "hay naku tumigil ka" anito sabay hila sa kanya. "so pupunta lang muna ako sa counter para bayaran 'tong mga pinamili natin."paalam sa kanya ni Nadia. 

"sige,hintayin nalang kita dito medyo mahaba ang pila ehh." sagot niya naman dito.Habang nakapila ang kaibigan,naisipan ni Ella ang maglibut-libot,walang anu-ano'y napadpad siya sa mens department. "ang ganda naman nito,gusto ko ring bilhan si tatay,magkano kaya?" nanlaki ang mga mata niya nang biglang makita ang presyo,"grabe 2,000 na to? Ang mahal ahh"patuloy lang siya sa pagtingin tingin ng mga damit ng biglang may mapansin siyang pamilyar na mukha.Biglang bumilis ang pintig ng puso niya,tila ba  tatalon ito palabas ng kanyang dibdib,pa'no ba naman kasing hindi, ehh ang nakita niya lang naman ay walang iba kundi si Anton de Vera,abala ito sa pagtitext. Nang humarap ito sa direksiyon niya,bigla siyang nagkunwari na namimili ng damit. Maya maya ay may lumapit na saleslady sa kanya. "Para po ba sa boyfriend ninyo ma'am?"tanong nito sa kanya. "ahh ehh opo,ang g-ganda k-kasi, naghahanap ako ng ireregalo para sana sa birthday niya. " sagot niya dito. Saglit lang siyang sinulyapan ni Anton at dirediretso na ito. "ay naku ma'am bagay po 'to sa kanya,maganda po yung quality ng tela nito". pagpapatuloy pa ng sales lady,samantalang ang mata niya ay nakasunod lang kay Anton. Nang medyo nakalayo na ito ng kaunti sa kanila,pasimple niya itong sinundan. Si Anton naman ay abala sa pagtingin-tingin ng mga polo shirt.Pumuwesto siya sa likuran nito at nag kunwari na namimili ng mga damit. Maya-maya pa ay may lumapit na saleslady dito. "para saan po yung hanap ninyo sir?"tanong nito kay Anton. "ahh wala I'm just waiting for someone so tumitingin-tingin lang ako." anito sabay lakad palayo sa saleslady. Nang makalayo si Anton,nakita niyang nilapitan ang saleslady ng kasama nito. "oh ano nag-paassist ba? " tanong nito. "hindi ehh,pero ang guwapo,balak ko sanang akitin."kinikilig naman na sagot ng isa. Palihim niyang tinitigan ng masama ang dalawang saleslady,mayamaya pa ay galit niyang nilapitan  ang mga ito. "Kanina pa ako naghahanap ng assistance dito,walang pumapansin saakin." nakapameywang pa siya. 

"ay sorry po ma'am,hindi ka namin napansin diyan."sagot naman ng isa sa kanila.

"pa'no ninyo ako mapapansin,eh iba inaatupag ninyo, 'wag na okay na ako."aniya dito sabay tumalikod.

"wow suplada  ahh,ni hindi ko nga siya nakitang nagtanong ehhh" taas kilay na sabe ng isa sa mga saleslady nang makalayo na si Ella sa kanila.

"kaya nga!hayaan mo yun"sagot naman ng isa pa.

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon