Part 27

690 16 0
                                    

Masayang binati ni Ella ang mga magulang nang makarating siya sa bahay nila. Humalik at yumakap siya sa mga ito. "may maganda bang nangyari at ang saya-saya mo ngayon?" tanong sa kanya ng kanyang ama. "naku sobrang ganda po tay,"aniya na sinabayan pa ng akbay dito. "talaga?Puwede mo bang ibahagi sa'min ng nanay mo kung ano yun?"nakangiting tanong ng kanyang ama sa kanya. "Saka na po tay."aniya sabay lakad papunta sa kanyang kuwarto."aba'y batang ito,may pasuspense pang nalalaman."nasambit na lamang ng kanyang ama. "hayaan mo na't ang importante ay masaya siya" nakangiti namang sagot ng kanyang ina.Sa kuwarto niya naman, hindi parin makaget over si Ella sa nangyari sa mall kanina,tila ba talagang itinadhana na makilala niya si Tommy para magkalapit sila ni Anton,kahit na malamig parin ang pakikitungo sa kanya ng binata. Para sa kanya,stepping stone ito para matupad niya ang pangarap na mapasakanya ito pagdating ng araw. Kinuha niyang muli ang laptop at sinearch ang pangalan ng lalaki sa google. Dito nakita niya ang litrato nito,pati na ang article tungkol sa pagiging pinakabatang direktor na nakatanggap ng karangalan  sa larangan ng paggawa ng pelikula. Napakaguwapo ng binata, kinikilig siya habang tinititigan ang mukha nito. "alam mo,ikaw ang pinaka magandang reward na makukuha ko pag nagtagumpay ako"aniya na tila ba naririnig siya ng kanyang kausap. 

Kinabukasan, maagang nagising si Ella.Nadatnan muli ang kanyang ina na  abala sa kusina. Nagluluto ito ng handa para sa kanilang almusal. "good morning po nay,"bati niya dito na sinabayan niya pa ng halik. "mag-almusal kana,"aya nito sa kanya. "sige po nay maghihilamos lang muna ako." paalam niya dito. "Si tatay nga po pala?" tanong niya dito. "ayun pumasok na sa trabaho niya." sagot naman ng kanyang ina sa kanya. "po? ang aga naman?" 

"ehh,nakatanggap ng tawag sa boss niya marami daw silang kailangang ayusin."sagot naman ng kanyang ina. Nagtatrabaho kasi bilang maintenance ang kanyang ama sa isang hotel. "si Lily naman maaga ring pumasok at my exam ngayon."Pagpapatuloy pa ng kanyang ina. Abala siya sa pagsubo ng pagkain ng biglang magring ang kanyang cellphone. "hello?" sagot niya. Isang babae ang nasa kabilang linya. "hello ako po pala sa Aya,A.D ako ni Direk.Anton De Vera. Pwede po ba kay miss Ella Esobar?"pag karinig nito'y biglang lumagok ng tubig si Ella at dalidaling tumayo. "ay,ako po yun."excited na sagot niya dito. Nagtaka naman ang kanyang ina. "tignan mo 'tong batang to,iniwan yung pagkain niya dito."sambit nito.

LOVE KO SI DIREK ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن