Part 23

720 12 0
                                    

Hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Dahil nang umupo na ang dalawa,tila sinadya ni Tommy na papuwestuhin si Anton sa katapat na silya ni Ella. To the highest level na tuloy ang kabog ng dibdib niya.Biruin mo ba naman kasi,ang dating iniistalk niya lang,ngayon ay itinadhanang makasabay niyang maglunch. "actually magkakilala na talaga itong si Anton saka si Ella." walang anu-ano'y biglang sabe ni Nadia. "really?How?" gulat namang tanong ni Tommy na ang mga mata ay idinako naman kay Anton. "Well, nag extra kasi siya sa isa sa mga pelikulang ginawa ko." sagot naman nito sa kaibigan, nung mga oras na yun ay hinihintay nalang nila ang kanilang order. "really,what a coincidence ha?" manghang sagot ni Tommy. "yeah,medyo disappointing nga lang kasi medyo may kapalpakang nangyari." habang sinasabe ito ay seryosong nakatitig si Anton kay Ella. Dahil dito'y napayuko nalang siya. Ibang klase talaga ang nararamdaman niya nang mga oras na yun. Tila nanlalambot ang mga tuhod niya,pakiramdam niya talaga ay tatalon ang puso niya palabas ng dibdib niya,nang hindi niya na matiis,bigla siyang tumayo at nagpaalam."sorry,punta muna ako ng restroom." Nang makarating siya sa restroom,bigla siyang napahinga ng malalim at tumingin sa salamin. "ano ka ba naman Ella,ano ba yung kinikilos mo,"sermon niya sa sarili "okay,kaya ko to,kunwari balewala lang." Inayos niya ang sarili at bumalik na sa table nila. Nang makabalik siya, "ano beshie okay ka na ba?" bungad sa kanya ni Nadia . Nang mga oras na yun ay dumating na ang order nila. "ha,o-oo naman ikaw talaga,bakit naman hindi ako magiging okay. "sagot niya  dito kahit ang totoo nun ay parang tambol ang dibdib niya sa lakas ng heart beat niya "okay sabe mo ehh,"Nahalata niyang tila may ibig sabihin ang sagot na yun ni Nadia sa kanya. Nang makaupo siya pinilit niyang pakalmahin ang sarili.Si Nadia at si Tommy ang abala sa pagkukuwentuhan habang si Anton naman at si Ella ay tahimik lamang.Si Anton ay tahimik lang na kumakain at paminsan minsan ay kinakalikot ang cellphone,habang si Ella naman ay pasimple siyang tinititigan.

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now