Part 15

706 21 0
                                    

Naguumpisa na ang eksena,dalawang tao ang kinukunan,isang babae at isang lalaki na nakaupo sa park,parehong sikat ang dalawang artista kaya hindi maiiwasan na magdagsaan ang mga taong nanonood ng shooting,habang si Ella naman ay titig na titig lang sa direktor na abalang-abala sa kinukunang eksena.Tila ba ito lang ang tao sa paligid niya at wala siyang pakialam kahit halos masubsob na siya dahil sa tulakan,habang si Nadia naman ay nawili rin sa panonood ng shooting. May mga pagkakataon na sumisigaw si Anton ng cut,naririnig niya ring itong napagsasabihan yung mga staff or mga talents,lalo na pag my eksenang hindi nito nagustuhan. Maya maya pa,lalong tumindi ang tulakan.

Mayamaya ay bumulong si Nadia sa kanya. "beshie,nagugutom na ako,kumain na kaya muna tayo."

"hindi pa ako nagugutom ehh,"tanggi niya.

"ano kaba,hindi naman aalis yan no,andito lang yan,"muling bulong nito sa kanya.

"oo nga,pero tignan mo naman ang lapit lapit ko na sa kanya,pag umalis ako sa puwesto ko ngayon baka hindi na ako makabalik,ayoko,hindi ako aalis dito ,dito lang ako."mariin niyang tanggi sa pagyayaya ng kaibigan.

"ewan ko sa'yo,bahala ka diyan."pairap na sabe ni Nadia.

"beshie naman,'wag ka namang ganyan,ngayon lang naman to ehh,hhhm?wag kanang magalit."iling lang ang isinagot sa kanya ni Nadia.

Aamuhin niya pa sana ang kaibigan ng biglang dahil sa tindi ng tulakan ay masubsob siya.Dire-diretso siyang nasubsob kay Anton na nakaupo sa harapan.Napapikit ang mata niya,at nang dahan-dahan niya itong imulat,saka niya lang napansin na nakayakap pala siya sa lalaki.Ang lalaki naman ay nakatitig sa kanyang mukha.Hindi  tumitinag sa kinapupuwestuhan  niya.

Lalong tumindi ang tibok ng dibdib niya,dahil sa mga oras na iyon,magkasalubong ang kanilang mga mata.

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now