Part 22

717 16 0
                                    

Pormal na iniabot ni Anton ang kamay kay Nadia. "Nice to meet you Nadia."

"N-nice to meet you too."bati niya naman dito habang pasimpleng  sinisenyasan si Ella sa pamamagitan ng bahagyang pagtapak sa paa nito. Nang hindi parin ito tuminag, ay bahagya niyang nilakasan ang pagtapak sa mga paa nito habang ang mga mata niya ay hindi parin inaalis kay Anton. "Wait lang beshie naghahanap ako ng medyo mura lang okay?" aniya sa kaibigan. At dahil hindi parin aware si Ella,bahagya niya muling tinapakan ang mga paa nito. "ano ba beshie naghahanap nga kasi ako ng mu-" biglang napatigil sa pagsasalita si Ella ng makita niya si Anton. "ra"dugtong niya sa dapat sana'y sasabihin. Muling dumagundong ng mabilis ang dibdib niya.Kaharap niya kasi ngayon ang lalaking pinakaaasam niyang mapasakanya.

"hi Ella,"si Tommy. "h-hi".medyo nanginginig pa ang boses na sagot niya dito. "I would like to introduce you to my friend Anton De Vera." napalunok siya ng makita ang lalaki na nakatitig sa kanya,para talagang my tambol sa loob ng dibdib niya. Mayamaya pa ay iniabot nito ang kamay sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng dibdib niya. "n-nakikipagkamay ka?" biglang tanong niya sa lalaki. "obvious ba?"seryosong tanong nito sa kanya.Dahandahan niyang inabot ang mga kamay dito.Ito ang unang pagkakataon na nahawakan niya ang kamay ng lalaki. Maya-maya pa ay muling nagsalita si Tommy. "anyway uhm,I just want to check if  okay lang ba na maki join kami sa inyo? Wala na kasing seat ehh."Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Ella,ngayon naman ay makakasabay niyang maglunch si Anton. "Sure, okay lang."biglang tumayo si Nadia at lumipat sa tabi ni Ella.  "ano tapos kana bang pumili? tanong nito kay Ella. 

"oo may napili na ako,ito." walang anu-ano'y turo niya sa menu pero ang mata niya ay nasa kaibigan. 

nang makita ni Nadia ang napili niyang orderin, bigla itong bumulong sa kanya. "Wow,eh akala ko ba ayaw mo ng mahal?Eh pinakamahal kaya yang pinili mo."tumatawa pang sabe nito sa kanya.Napalunok siya ng makitang tama nga yung kaibigan.

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now